Unang Bahagi: Kabanata 11

1523 Words
“A—afiya?” Nakataas ang magkabilaang kilay nito at nakaawang ang kaniyang labi habang nanginginig ang hawak sa pulso ni Gimel. “Tinatanong kita, ano ang iyong pangalan?!” Agad ngang nabaling ang atensyon nilang dalawa kay Ebraheem ngunit nawala ang kunot sa noo ni Gimel nang mapagtantong hindi siya ang tinatanong nito. “Javier,” sambitla nito at nanlaki nga ang mga mata nang suntukin sa pisngi ni Ebraheem si Javier dahilan upang bumagsak ito sa lupa. “Javier!” Sinubukan nitong tumakbo upang lapitan si Javier ngunit hindi niya nagawa nang hindi kumawala si Afiya sa pagkakahawak sa pulso niya. “Afiya, bitawan mo ako—“ “Hindi ka nila makikita at maririnig hangga’t hawak kita Gimel kaya’t huwag kang bibitaw.” “Ano bang sinasabi mo Afiya? Kailangan ni Javier ang tulong ko kaya bitawan mo ako—“ “Inuulit ko, ano ang iyong pangalan!” sigaw ni Ebraheem na pumukaw muli sa atensyon nilang dalawa. “S—sorry, hindi naman po talaga ako dadaan dito pero—“ “Hindi ‘yon ang tinatanong ko bingi ka ba ha?!” Ngayon ay walang kahirap-hirap na ibinangon ni Ebraheem si Javier mula sa lupa. “Afiya, bitawan mo na ako—“ Natigilan ng husto at nanlaki ang mga mata ni Javier nang masaksihan ang unti-unting paglabas ng matulis na pangil ni Ebraheem at ang unti-unti ngang pamumula ng kaniyang mga mata. “Bitawan mo siya!” Kasabay nang sigaw ni Gimel ang siyang pagsigaw rin ni Javier nang tuluyang bumaon ang matulis na pangil ni Ebraheem sa leeg nito. “Javier! A—anong nangyayari? Afiya anong nangyayari?!” “Tulad ng sinabi ko Gimel, hindi ka nila naririnig o nakikita ngayon,” ani ni Afiya na mas hinigpitan pa ang hawak sa pulso ni Gimel na pilit ngang kumakawala ngayon sa kaniya. Nanginginig at nakakunot ang noo ngayon ni Gimel habang pinagmamasdan ang unti-unting pamumutla ni Javier na senyales ng unti-unting pagkawala ng dugo sa sistema ng kaniyang katawan. “Anong klaseng—“ “Bampira,” sambitla ni Afiya na dahilan upang ibaling ni Gimel ang tingin sa kaniya. “Isa siyang bampira Gimel at sa oras na bitawan kita ngayon at makita ka niya ay paniguradong ikaw ang isusunod niya.” Gamit ang maliit na kutsilyo mula sa bulsa ni Ebraheem ay walang pag-aalinlangan niyang sinugatan ang sariling pulso. Ipinatak ang kaniyang dugo sa bunganga ni Javier bago pa man niya ito bitawan sa lupa at tuluyan na ngang nawala na parang bula kasama ang iba pang mga bampira at ang maliit na taong kinakausap niya kanina. “Javier!” Agad na nilapitan ni Gimel ang katawan ni Javier at halos nanlumo at napaupo ito sa lupa nang mapagtantong wala ng pulso ang binata. “Anong ginawa nila kay Javier?!” baling nito kay Afiya na hindi siya sinagot bagkus ay nanikluhod ito sa lupa at ipinatong ang palad sa dibdib ni Javier. “Marami ring dugo ang nawala sa kaniyang katawan kaya’t ilang minuto ko rin siyang gagamutin,” ani ni Afiya kasabay nang unti-unting paglabas ng asul na ilaw mula sa kaniyang palad patungo sa dibdib ni Javier. Unti-unti namang napaatras si Gimel na ngayon ay hindi nga makapaniwalang tinignan si Afiya. _________________________ “Mamaya ay paniguradong magkakamalay na rin siya Gimel,” ani ni Afiya matapos pabalikin ang pulso ni Javier. “W—what the hell are you Afiya?” naguguluhang tanong ni Gimel na siyang diretso ngang tinignan ang mga mata ni Afiya na unti-unting nanunumbalik sa kulay berde. “Mas magandang kalimutan mo nalang ang mga nakita mo Gimel”—sagot ni Afiya na siyang ibinaling ang tingin kay Javier—“dahil natitiyak kong ang dugong pinainom ni Ebraheem sa kaibigan mo kanina ay makapagwawala rin ng ala-ala niya sa nangyari kanina.” “E—ebraheem? Kilala mo kung sinong may gawa sa kaniya nito?” “Gimel tulad ng sinabi ko, kalimutan mo na lamang ang lahat ng mga nangyari—“ “Afiya sa tingin mo ganon-ganon nalang ‘yon?! Ano bang klaseng demonyo o hayop kayo ng Ebraheem na ‘yon?!” sunod-sunod na pakli ni Gimel dahilan upang umiwas ng tingin si Afiya. “Afiya, sagutin mo ako—“ “Gimel—I can’t,” ani nito na siyang unti-unti ngang naglaho at hindi na naaninag ni Gimel “Afiya?” “Patawarin mo ako Gimel, I’m just protecting you dahil sa oras na malaman mo ang lahat patungkol sa amin ay paniguradong mapapahamak ka lang,” ani ngayon ni Afiya na siyang nasa harap pa rin ni Gimel ngunit gamit ang kaniyang kapangyarihan ay hindi siya nakikita ngayon nito. Marahan niyang itinaas ang kaniyang kamay at lumabas nga ang asul na ilaw mula rito patungo kay Gimel na siyang unti-unti ngang naistatwa sa kaniyang kinatatayuan at hindi magawang igalaw ang ano mang parte ng kaniyang katawan. Naglakad palapit si Afiya sa kaniya at inilabas mula sa kaniyang bulsa ang isang maliit na bote na naglalaman ng dugo. Marahan niyang ibinuka ang bunganga ni Gimel at pinatakan nga ng ilang patak ng dugo ang bunganga nito. At gamit ang kaniyang kapangyarihan ay kinontrol niya ang dugo patungo sa buong sistema ng katawan ni Gimel. _________________________ Unti-unting iminulat ni Gimel ang kaniyang mga mata nang masinagan ito ng sikat ng araw. Pagkabangon ng kaniyang kama ay agad siyang napahawak sa kaniyang ulo na panandalian ngang kumirot nang siya ay bumangon. “Ser Gimel, gising na po ba kayo?” Buntong hininga nitong ibinaling ang tingin sa pintuan. “Tawag na po kayo ser ng mama niyo sa baba,” patuloy ng kasambahay. “Susunod nalang po ako sa baba manang.” Tuluyan na itong tumayo mula sa pagkakaupo sa kama at tiyaka nga ibinaling ang tingin sa bintana habang nakakunot ang kaniyang noo at nagtataka kung bakit wala siyang maalala kung paano siya nakauwi kahapon. Ang tanging bagay na naaalala niya ay ang pagbili niya sa batang nagbebenta ng kamatis. Kalaunan ay napabuntong hininga na lamang siya at nagpasyang maligo at magpalit. Ngunit natigilan siya sa pagpasok sa kubeta nang makarinig ng kalambog mula sa ilalim ng kaniyang kama. “Ser, tawag na ho kayo sa baba,” muling sambit ng kasambahay na siyang pinabalik nga ng ina ni Gimel sa taas upang tawagin muli ang kaniyang anak. “Pakisabi manang, maliligo lang ako at baba na ako agad pagkatapos,” ani ni Gimel na siyang tuluyan na ngang nagtungo sa kubeta. Ipinikit niya ang kaniyang mga mata habang hinayaan ang pagdampi ng malamig na tubig sa buong parte ng kaniyang katawan. Ngunit muli siyang natigilan at agad ngang pinatay ang shower nang makarinig muli ng kalabog mula sa labas na nasundan pa ng mas malalakas na kalabog dahilan upang madalian niyang punasan ang kaniyang katawan at madalian ngang isinuot ang kaniyang uniporme. Pagbukas ng pintuan ay ang siyang pagtigil din ng kalabog dahilan upang mapakunot siya ngayon ng noo at unti-unti ngang naglakad palapit sa kaniyang kama kung saan nagmula ang unang kalabog kanina. Agad siyang napaatras at nanlaki ang mga mata nang biglang may dumungaw na tao—o maligno mula rito. Hindi mawari kung anong klaseng nilalang ito at ngayon lamang nga nakakita si Gimel ng ganito. “S—sino ka?!” bulalas ni Gimel na napahigpit nga ang hawak sa kaniyang tuwalya. “Ako si Tunku, kahilingan mo ay aking ibibigay basta’t tanggapin lamang ang aking alok na pakikipagkaibigan,” ani ng maligno na marahan ngang lumabas mula sa ilalim ng kama dahilan upang mapaatras si Gimel. Maliit itong nilalang na may mahabang buhok at mala-gintong mga ngipin. “Huwag kang matakot,” ani nito pero umiling nga si Gimel bilang tugon dito. “Huwag kang lalapit please lang.” “G—gimel, Gimel ang iyong pangalan hindi ba?” nakangiting tanong nito na siyang nag-alangan ngang sagutin ni Gimel. “Paano mo nalaman ang pangalan ko? At paano ka ba nakapasok dito sa kwarto ko?” “Nakatira ako sa puno niyo sa labas at narito ako upang makipagkaibigan sa iyo Gimel.” “Am I hallucinating right now? O baka naman panaginip lang ‘to?” “Nais mo bang kurutin ang sarili mo nang makumpirma mong totoo ako at narito ako upang tulungan ka?” Dahilan ito upang mapabuntong hininga si Gimel at marahan ngang kinurot ang sarili nang masigurong hindi ito nananaginip. Kumunot nga ang noo nito nang maramdaman ang kirot sa kaniyang balat. “Kita mo hindi ka nananaginip?” nakangiting sambit ng maligno. “Isa akong Kibaan o kung ituring niyo ay duwende—pero hindi kami duwende dahil mas mabait kami kung maituturing kumpara sa kanila.” “K—kibaan?” Unti-unting ngumiti ang Kibaan na siyang napakitang muli ng makikintab niyang gintong ngipin at tiyaka nga marahang tumango kay Gimel. “Ako si Tunku at narito ako upang ibalik ang ala-ala mong nawala kahapon at kapalit non ay ang pagtulong mo sa akin sa isang bagay. Tutal sa oras na tanggapin mo ang aking tulong ay tunay ngang magkaibigan na tayong dalawa.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD