Unang Bahagi: Kabanata 12

1905 Words
— CEBU “Ako si Tunku at narito ako upang ibalik ang ala-ala mong nawala kahapon at kapalit non ay ang pagtulong mo sa akin sa isang bagay. Tutal sa oras na tanggapin mo ang aking tulong ay tunay ngang magkaibigan na tayong dalawa.” “Ala-ala? Kaya pala parang may kulang sa ala-ala ko because it is really strange na nakauwi ako rito sa bahay nang walang naaalala kung paano.” “Ipinainom sa iyo ni Binibining Afiya ang ilang patak ng dugo ng bampira at ito ang siyang nagpawala ng mga ala-ala mo.” “Si Afiya?” Tumango ang Kibaan na ngayon ngay itinaas ang kaniyang kaliwang kamay at ipinitik ang daliri kasabay nang paglitaw ng isang gintong palayok sa harapan nila. “Iyan ay isang mahiwagang palayok at maaari mong hilingin ang kahit na anong bagay riyan katulad na lamang ng pagbalik ng mga ala-ala mo,” nakangiting ani ng Kibaan. Unti-unting nawala ang kunot sa noo ni Gimel at tinignan ngang mabuti ang palayok. “Sure ba ‘yan? Baka mamaya sumpa ang ibigay sa akin niyan imbes na ‘yong wish ko. Oo tama, sa mga kwento-kwento ay minsan playful kayong mga duwende kayo at pinaglalaruan niyo minsan ang mga tao.” “Ikaw bahala, kung ayaw mo edi hindi. Nasabi rin ba sa mga kwento-kwento na masunurin kaming mga Kibaan?” Buntong-hininga ngang napahawak ngayon si Gimel sa kaniyang batok at muling tinignan ang palayok. “Ser Gimel, tapos na ho ba kayong maligo?” Ngunit agad ngang natigilan si Gimel at ibinaling ang tingin sa pintuan at nang ibalik niya ang tingin sa kinatatayuan ng Kibaan kanina ay wala na siya rito maging ang ginintuang palayok. “Ser Gimel?” “Lalabas na po ako manang,” ani nito na siyang napakunot nga ng noo at tuluyan nang ibinato ang hawak na tuwalya sa kama. _________________________ “I’m glad at nandito ka na nang masimulan nang tuluyan na naming masimulan ang pagkain,” sarkastikong bungad ng stepfather niya dahilan upang mapaiwas siya ng tingin at tuluyan ngang umupo sa harapan ng kaniyang ina. “Ipinagluto kita Gimel ng paborito mong tocino,” ani ng kaniyang ina sabay lagay ng ilang pirasong tocino sa plato niya. “Sasabay ka sa akin sa pagpunta sa school Gimel,” aning muli ng stepfather niya dahilan upang kunot noo niyang tignan ito ngayon. “Huwag mo akong tignan ng ganiyan iho—you know what you did.” Napaiwas ngang muli ito ng tingin nang mahinuhang tila nalaman na ng pamilya niya ang gulong kinasangkutan niya kasama ang grupo nila Joseph. “Sinabi ko naman sa’yo hon na ako nalang ang pupunta at makikiusap sa presidente.” “No Georgia, hayaan mong magpakatatay ako sa anak mong ito—tutal para siyang lumaking walang tatay. From now on Gimel, you don’t have the right na sagot-sagutin ang mama mo at ako. We have your custody and as long as nakatira ka sa pamamahay na ito ay ako ang siyang tatayong ama mo maliwanag ba?” “You don’t have to go to my school at lalong hindi ko kailangan ngayon ng tatay o ng—ina. It’s too late to act like you are my father kaya huwag niyo nalang pong subukan,” ani ni Gimel. “And what happened is a self-defense in order to protect myself for those bullies. Pero tutal bulok naman ang sistema ng paaralan na ‘yon ay sila pa rin ‘yong pinaburan. Pero hindi naman na ako nagreklamo pa and just accepted their punishment. Hindi niyo na kailangang kausapin si Mister President about diyan dahil natapos ko na iyong punishment na ibinigay niya.” “Hindi ka papasok ngayon.” “W—what do you mean hon?” “Remember my friend Doctor Young? Sa tingin ko ‘yon ang kailangan ngayon ni Gimel.” “What? No Harold, hindi baliw ang anak ko—“ “Hindi mo na naman daw sinipot ang doktor mo Gimel?” “Dad, maayos naman ako ha? Wala akong sira sa ulo para pumunta sa therapist.” “Paano mo maipapaliwanag ang mga butas ng pader ng kwarto mo because of your anger management? At ang biglaan mo na lamang pagsasalita mag-isa ng unusual language na kung tatanungin ka ay ni hindi mo rin maintindihan o maalala?” “D—dad yong mga butas na iyon sa pader ko ay dahil sa inis ko at—“ “Tama na Gimel, sa ayaw at sa gusto mo ay pupunta ka ngayon sa therapist mo to fix yourself.” “There is a possibility Georgia. Nanggaling siya sa traumatic event—he need a psychiatric help hon.” “Hindi ko kailangan ng tulong niyo, hindi niyo ba maintindihan iyon?!” Kapwa nga natigilan ang dalawa maging ang nakababatang kapatid ni Gimel na siyang marahan ngang inalis ang suot na headphone at kunot-noong tinignan si Gimel. “Gimel anak—“ “I need to go, huwag niyo nalang akong papakialaman please lang.” _________________________ Pagbukas ni Gimel ng kaniyang kwarto upang kunin ang kaniyang mga gamit ay tuluyan siyang natigilan nang makitang muli si Tunku na siyang nakaupo ngayon sa kaniyang kama. “You are still here.” “Aking narinig ang usapan niyo ng iyong pamilya sa baba,” ani ni Tunku dahilan upang matigilan si Gimel sa akma niyang pagkuha ng kaniyang bag. “Unang-una hindi ko sila pamilya at wala akong pamilya sa mundong ito. Pangalawa, bakit ka ba nakikinig ng usapan ng iba?” “P—patawad ngunit hindi ko maiwasang itanong sa iyo kung totoo ba ang aking nakita sa iyong isip na mula pagkabata ay nagsasalita ka ng lengwaheng hindi mo maintindihan? At nabubutasan mo rin ang iyong pader? Kung totoo man iyon ay hindi nga ako namalikmata nang masaksihan ko kung paano mo walang kahirap-hirap na ibato sa malayo ang dalawang kaklase—“ “T—teka? Nandoon ka noong nagkagulo kami nila Joseph?” Agad ngang natahimik si Tunku at napaiwas ng tingin. “Gaano mo na ba ako katagal na sinusundang maligno ka?” “M—mula pa noong dumating ka sa pamamahay na ito,” sagot ni Tunku dahilan upang mapahawak si Gimel sa kaniyang noo at tuluyan na ngang kunin ang kaniyang bag. “Huwag ka nang magpapakita sa akin dahil magsasayang ka lang ng oras mo,” ani ni Gimel na siyang akmang lalabas na nga sa pintuan nang harangan siya ni Tunku sa daan. “Teka lamang—kung totoong may kakaibang lakas kang nararamdaman mula pagkabata ay hindi malabong isa ka rin sa amin—at kung isa ka man sa amin ay marahil isa kang Setengah Dewa. Kung totoo man ay matutulungan mo nga akong tunay—“ “Hindi ako tulad niyo Tunku! Hindi ako—halimaw tulad mo,” pakli ni Gimel na siyang tuluyan ngang lumabas na sa kaniyang kwarto. _________________________ Marahang itinigil ni Gimel ang takbo ng kaniyang bisikleta sa tapat ng kanilang eskwelahan. Nang tuluyan niya nang naiparada ang kaniyang bisikleta ay buntong hininga nga nitong ibinaling ang tingin sa itaas ng gusali. Wala pa ang mga ingay ng estudyante dahil napaaga ngayon ang dating ni Gimel at halos sampu pa lamang ang estudyanteng nasa paaralan. Ngunit natigilan nga si Gimel nang magtama ang mata niya at ang isang pamilyar na kulay berdeng mata. “Afiya.” “Ala-ala? Kaya pala parang may kulang sa ala-ala ko because it is really strange na nakauwi ako rito sa bahay nang walang naaalala kung paano.” “Ipinainom sa iyo ni Binibining Afiya ang ilang patak ng dugo ng bampira at ito ang siyang nagpawala ng mga ala-ala mo.” Buntong hiningang ibinaling muli ni Gimel ang tingin sa binata ngunit sa pagkakataon na ito ay wala nga siya roon. — Ika-pitong Palapag Ika-pitong Palapag- ang lugar kung saan pansamantalang naninirahan at nagaganap ang pagpupulong ng mga nilalang sa Fotia na kasalukuyang nasa mundo ng mga tao (Geo) “Malimit kang pumaroon dito sa ika-pitong palapag, maaari ko bang malaman ang iyong pakay Afiya?” Tuluyan ngang nabaling ang atensyon ni Afiya mula sa bintana patungo kay Ebraheem na siyang kasalukuyang nakaupo ngayon sa napakahaba niyang dining table at sinimulan na ngang tikman ang sariwang dugo ng ibon na siya niyang umagahan. “Kahapon,” panimula ni Afiya na siyang marahang umupo sa hapagkainan at seryoso ngang nakatingin ngayon kay Ebraheem. “Ebraheem, alam mo ba kung gaano kalaking gulo magiging resulta ng ginagawa mo?” “Patawad ngunit patungkol saan ba ang iyong sinasabi Afiya?” kunot noong tugon ni Ebraheem na siyang ibinaba nga ang hawak na baso. “Nakita ng dalawa kong mata Ebraheem kung gaano mo kawalang-awang kinuhanan ng dugo ang isa sa mga estudyante ng paaralan.” Tuluyan ngang natigilan ang binata na siyang napahawak ngayon sa kaniyang batok at napaiwas ng tingin kay Afiya. “Naroon ka kahapon?” “Oo Ebraheem at pinagsisisihan kong naroon ako at nasaksihan ang panunumbalik ng dating ikaw.” “Afiya, nanghihina na ang aking mga kasama dahil sa pagsunod namin sa kasunduan. At kung hindi pa ako gagawa ng paraan ay baka tuluyan na kaming pagkakaubos.” “Pero Ebraheem nangako kang tutupad ka sa kasunduan nating mga Amethysts—“ “Afiya matagal nang buwag ang mga Amethysts,” pakli ni Ebraheem na siyang nagpatigil ng husto kay Afiya. “Simula nang traydurin at iwanan tayo ni Mahalia “Sa tingin mo ba ay kapayapaan pa rin ang siyang motibo ni Helios? Hindi ba pumasok sa kukute mo na kinokontrol na lamang niya tayong lahat? At sinong makakapagsabi na darating ang araw na madali nalang para sa kanilang mga Ravena na sakupin tayo?” “Ebraheem—“ “Afiya, kailangan kong protektahan ang Fotia at kahit na anong paraan ay gagawin ko upang palakasin ang pwersa namin. Dahil yaon lang ang paraan na naiisip ko ngayon upang maprotektahan ang mga kalahi ko sa oras na magkagulo ang lahat ayon sa propesiya.” “Ebraheem kahit saang anggulo mo tignan ay kailangan niyo nang itigil ito. Bukod sa Nero ay responsibilidad ko rin ang Geo na siya mong sinasamantala. P—patawarin mo ako Ebraheem ngunit makakarating ito kay Helios at sa mga Maginoo. Habang maaga ay mainam na matigilan na—“ “Sige sabihin mo at isumpong mo kami. Sa oras na gawin mo iyon ay hindi rin ako magdadalawang isip na patayin ang mortal na sinubukan mong protektahan kahapon.” “A—ano ang iyong ibig sabihin?“ “Nakita ko siya kahapon at nang bigla siyang naglaho na parang bula ay may hinuha na akong may kinalaman ka roon dahil minsan ko na kayong nakitang magkasama. At ngayon na nalaman kong naroon ka rin ay kumpirmado ko na na prinotektahan mo ang mortal na iyon mula sa amin.” “Huwag mo siyang gagalawin Ebraheem.” “Kung gayon ay itikom mo iyang bunganga mo Afiya nang walang sino mang malapit sa iyo ang masaktan. Hindi ko alam kung anong kaya kong gawin ngayon Afiya lalo pa’t dugo na ng maraming mortal ang siyang nananalantay sa buong sistema ng katawan ko. Kaya kung ako sa’yo, manahimik ka na lamang at huwag pakialaman kung anong paraan ang gagawin ko upang protektahan ang Fotia,” ani ng binata na siyang tuluyan na ngang naglaho na parang bula.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD