Unang Bahagi: Kabanata 13

3217 Words
— CEBU “Gimel!” Agad ngang iprineno ni Gimel ang kaniyang bisikleta nang muli’t muli siyang harangan ni Afiya sa daan na halos araw-araw nga niyang ginagawa nang dahil sa hindi malamang dahilan. “Afiya talaga bang hindi ka titigil sa ginagawa mong iyan?” Isang ngiti nga ang itinugon ni Afiya na siyang unti-unting tinanguan si Gimel. “I have a great news today,” ani ng dalaga na sinabayan si Gimel sa paglakad patungo sa paradahan ng bisikleta. “Hindi mo ba itatanong kung ano ha?” tanong nito nang hindi siya inimik ng binata. “Hindi dahil kahit naman hindi ko itanong ay sasabihin mo pa rin naman hindi ba?” sarkastikong tugon ni Gimel na siyang dahilan upang mapangiti at marahang tumango si Afiya. “Narinig ko sa office ng mga teachers na naaprobahan na raw ang camp para next week. And here, kumuha na ako agad ng registration forms,” ani ni Afiya na siyang iniabot nga kay Gimel ang registration form. “Hindi ako sasali Afiya.” “What? Bakit naman?” kunot noong tanong ng dalaga na siyang sinusundan nga ngayon si Gimel papasok sa eskwelahan. “May gagawin ako sa araw na ‘yon—“ “No, it can’t be. Kailangan mong pumunta sa camp Gimel,” pakli ni Afiya na siyang natigil sa paglalakad dahilan upang matigilan din ngayon si Gimel at kunot noo nga siyang tignan. “Afiya, kahit anong sabihin mo ay hindi ako pupunta doon. Sayang lang ang pera sa mga ganyang mga bagay—“ “Binayaran na kita ng registration fee Gimel so you don’t have to worry about it.” “Ano? Bakit mo naman ginawa ‘yon Afiya? Ang mahal-mahal pa man din ng registration fee, sayang naman iyong pera.” “Right Gimel, sayang iyong pera hindi ba? Kaya wala kang magagawa kundi pumunta para hindi masayang,” nakangiting sambit ni Afiya na siyang dahilan upang mapabuntong hininga si Gimel. “Ibigay mo nalang sa iba ‘yong slot—“ “No I can’t Gimel, wala ng bawian iyon. Kung hindi ka pupunta ay sa school mapupunta iyong pera hindi pwedeng may proxy ka or what,” pakli ni Afiya dahilan upang mapakamot na lamang si Gimel ng kaniyang batok. “You will be joining the camp whether you like it or not.” “Wala ka bang ibang kaibigan dito at akong lagi mong pinagdidiskitahan?” “I have many friends naman pero you are the new one and I like spoiling the new one,” nakangiting ani ni Afiya na siyang naglakad na ngang nauna papasok sa kakabukas na elevator. _________________________ “Did you seriously joined the camp? Teka, bakit ba hanggang ngayon ay nandito ka pa ring criminal ka?” sunod-sunod na sarkastikong tanong ni Joseph kay Gimel nang makaalis na ang kanilang guro. Buntong hiningang umiwas ng tingin si Gimel na siya ngang marahang isinaksak ang kaniyang earphone sa magkabilaan niyang tenga. “Seriously?” nakangising sambitla ni Joseph na siyang paika-ika ngang nilapitan si Gimel sa kaniyang kinauupuan. “Huwag mo akong bastusing—“ “I am recording you Joseph,” nakangising ani ni Afiya na siyang nagpatigil sa akmang pagsuntok ni Joseph kay Gimel. Hawak-hawak niya ngayon ang cellphone niya habang nakatutok ang camera sa direksyon nila Joseph. “Huwag kang mangiangialam dito Afiya—“ “What are you doing?” Halos lahat ng estudyante ay natigilan sa kanilang ginagawa at ibinaling ang tingin sa pintuan kung saan naroon ngayon si Abrax. “Exactly Joseph, what the heck are you doing?” nakangising tanong ni Afiya rito dahilan upang buntong hininga siyang mapaatras at bumalik sa kaniyang kinauupuan. Marahan namang naglakad ngayon si Abrax patungo sa harapan ng buong klase at ibinaling ang tingin kay Gimel na siyang wala ngang kamalay-malay sa nangyayari dahil sa suot niyang earphone. “Miss Corpuz, kindly call Mister Perez for me,” utos nito sa katabi ni Gimel na siyang agad din naman siyang sinunod. “Kindly follow me outside because they need you at the office right now.” _________________________ “Anong kailangan nila? May ginawa na naman ba akong kasalanan na hindi ko alam?” “Kung pumasok ka na kaya sa loob ng malaman mo ang mga kasagutan sa mga tanong mo?” sarkastikong sagot sa kaniya ni Abrax dahilan upang buntong hininga siyang pumasok sa opisina ng presidente. “Nakita mo naman Abrax kung paano siya ibully—“ “Afiya, hindi ba nasabi sa iyo na kailangan mong mag-ingat sa paggamit ng iyong kapangyarihan sa tuwing nandito ka sa mundo ng mga mortal?” Unti-unting nagpakita si Afiya na siyang nasa harapan nga ngayon ni Abrax at pasimpleng sinundan sila gamit ang kaniyang kapangyarihan. “Gaano mo kakilala ang mortal para ipagtanggol mo siya nang ganoon na lamang?” “Kaibigan ko siya Abrax at alam kong nagsasabi siya ng totoo na hindi siya ang nag-umpisa ng gulo kaya nasaktan sina Joseph.” “Paano ka nakakasiguro Afiya?” tanong ni Abrax na siyang diretso ngang tinignan si Afiya sa mata. “Huwag mong sabihin sa akin ngayon na ginamit mo ang iyong kapangyarihan upang basahin ang memorya ng mortal na iyon?” “Hindi ko ginawa ang ano mang ibinibintang mo Abrax. Alam mo namang sa oras na maging kaibigan ko na ang isang mortal ay tumitigil na ako sa pagbabasa ng isip nila.” “Kung gayon ay paano ka nga nakakasiguro na mabuting tao siya?” “Ramdam ko at nakikita ko sa kaniyang mga mata na inosente siya.” “At dahil diyan ay pinoprotektahan mo siya? Paano kung mali ang pakiramdam mo Afiya? Papaano kung maulit muli ang—“ “Abrax, ayaw kong pag-usapan ang bagay na iyan,” pakli ni Afiya na siyang tuluyan na ngang tumalikod sa binata. “Afiya,” tawag ng binata ngunit hindi siya nito nilingon at nagpatuloy nga lang sa paglakad palayo. _________________________ “Hindi ba sinabi ko naman po sa inyo na hindi niyo na kailangang pumunta rito?” “Gimel, I just want to make sure na ayos ka rito,” sagot ng ina nito na siyang akma ngang hahawakan ang kamay ng anak ngunit agad itong iniiwas ni Gimel. “At kasama mo pa si Tito Harold, ano ‘to pagkakaisahan niyo ako at ano ang susunod? Ipupunta niyo na rin ba ako sa therapist just like what dad did to me?” “Your dad sent you to a therapist?” tanong ng ina nito na siyang unti-unti ngang nanlaki ang mata nang marinig iyon. Natigilan si Gimel at marahan ngang tumango bilang sagot sa kaniyang ina. “K—kailan pa? Hindi ako pumayag na gawin niya ‘yon sa’yo.” “Simula noong iwanan mo kami,” sagot ni Gimel na siyang dahilan upang matigilan at mapaiwas ng tingin ang kaniyang ina. “He doesn’t need your approval dahil simula noong iwanan mo siya ay nawalan ka na rin ng pakialam maging sa akin,” patuloy ni Gimel dahilan upang mapailing ng ilang beses ang kaniyang ina at hawakan nga ang kaliwang kamay nito. “N—no Gimel, I’ve tried to reach out pero—“ “I don’t need any explanations right now. Please, umuwi nalang po kayo at huwag na huwag na ulit kayong pupunta rito upang kausapin ang presidente. Kaya ko po ang sarili ko,” pakli ni Gimel na marahan ngang inalis ang pagkakahawak sa kaniya ng kaniyang ina. _________________________ Sa likuran ng paaralan nila Gimel naroon ang nakatagong parke na siyang katapat ng maliit na lawa na nagtataglay ng mala-krystal na tubi. Walang masyadong estudyante ngayon dito sapagkat kasagsagan ngayon ng mga klaseng nagpasyang hindi pasukan ni Gimel. Marahan itong umupo sa damuha habang diretsong nakatingin ngayon sa lawa. Kalaunan ay nagpasya itong pumikit at marahang langhapin ang sariwa at malamig na hangin. “Ako si Tunku, kahilingan mo ay aking ibibigay basta’t tanggapin lamang ang aking alok na pakikipagkaibigan.” Agad ngang napamulat ng kaniyang mga mata si Gimel at ibinaling nga ang tingin sa Kabaan na kasalukuyang nakaupo ngayon sa kaniyang kaliwa. “Pati ba naman dito Tunku ay susundan mo ako?” “Ang tunay na kaibigan ay naroon saan ka man pumunta upang tulungan ka at damayan,” sagot ng Kabaan na siyang dahilan upang buntong hiningang mapangiti ngayon si Gimel. “Mukhang mas nagiging malapit kayo ni Binibining Afiya? Wala ka bang balak na komprontahin siya gayong halos isang linggo na rin ang nakakalipas nang tanggapin mo ang aking alok at hiniling mo sa palayok na ibalik ang iyong ala-ala?” “Iyo nang tinatanggap ang aking mumunting regalo sa iyo Gimel?” “Oo—wala na rin naman akong pakialam kung sumpa ang ibigay mo sa akin dahil wala na rin naman akong pakialam sa buhay ko. Kung mamatay man ako sa oras na humiling ako diyan sa palayok mo edi mamatay. Pasasaan pa ang sirang-sirang buhay kong ito?” Tuluyan ngang nawala ang ngiti ng Kibaan na siyang tinabihan ngayon si Gimel sa kaniyang pagkakaupo sa damuhan malapit sa punong tinitirhan nito. “Iyong tinatanggap ang alok ko dahil sa tingin mo ay hindi kawalan ang buhay mo sa oras man na niloloko lang kita at sumpa pala ang kapalit ng regalo ko sa iyo?” panganglaro ni Tunku na siyang tinanguan ni Gimel. “Akala ko ay tiwala ka nang hindi kita niloloko kaya mo tatanggapin ang regalo ko. Pero yaon pala wala ka pa ring tiwala sa akin?” Agad ngang natigilan si Gimel na siyang buntong hininga ngang tinignan ang nakasimangot na Kibaan. “Hindi ko ibibigay sa iyo ang palayok.” “A—ano? Bakit naman? Hindi ba todo pilit kang tanggapin ko ito? Pero bakit ngayon ayaw mo na?” “Hindi ba sinabi ko sa iyo na sa oras na tanggapin mo ito ay tinatanggap mo na rin ang alok kong pakikipagkaibigan?” Marahan ngang tumango si Gimel bilang sagot dito. “Hindi magiging maganda ang ating pagkakaibigan kung ngayon pa lang ay wala tayong tiwala sa isa’t isa.” Dahan-dahan ngang napakunot ng noo si Gimel at tinignan muli ito. “Seryoso ka ba? ‘Yon na dahilan mo kung bakit ayaw mong ibigay sa akin ang bagay na pilit mong inaalok sa akin ng halos tatlong araw na?” Tumango si Tunku bilang sagot na kasunod nang pagpasok niya sa puno ng Bangar. “T—teka lamang Tunku,” ani ni Gimel na buntong hiningang napakamot ng kaniyang ulo. “Bumalik ka na lamang dito sa oras na may tiwala ka na sa akin.” _________________________ Palubog na ang araw nang nasa daan pa lamang si Gimel at pauwi pa lang sa kanilang bahay. Ngunit natigilan siya sa isang masikip na isikinita na tila ba hindi ito ang unang pagkakataon nang daanan niya ito. “Napakawalang kwenta mong duwende ka!” Bulalas ng isang lalaki na siyang pumukaw sa atensyon ni Gimel na siyang agad nang napababa sa kaniyang bisikleta at masimpleng sumilip sa isikinita. Agad siyang natigilan nang makitang si Tunku ang siyang sinigawan ng lalaki. “P—patawarin niyo ako mga ginoo. Hindi na bumalik ang aking dating kaibigan at hindi ko na siya mautusan na kumuha ng sariwang dugo para sa inyo—“ Hindi nito natapos ang pagpapaliwanag nang sampalin siya ng pagkalakas-lakas ng lalaking kausap niya. Agad na bumagsak sa lupa ang Kibaan nang dahil sa lakas ng pagkakasampal sa kaniya. “Kung kinabukasan ay wala ka pang maidalang dugo sa amin ay ang dugo mong Kibaan ka magiging hapunan namin,” ani ng lalaki na siyang naglahong parang bula dahilan upang manlaki ang mga mata ngayon ni Gimel nang dahil sa gulat. Ngunit makalipas ang ilang segundong makaalis ang lalaki ay hindi nga nagdalawang isip si Gimel na lapitan si Tunku at tulungan ito sa pagtayo. “Ayos ka lang ba Tunku?” “G—gimel? Anong ginagawa mo rito? Baka makita ka nila—“ “Sino sila? Iyong lalaking iyon na bigla na lamang naglaho na parang bula? Tunku anong klaseng nilalang ang lalaking iyon at bigla-bigla na lamang siyang nawala? At kita ko rin kung gaano kalakas ang pwersa niya dahilan upang bumagsak ka sa lupa. Bakit hindi ka lumaban? Hindi ba may kapangyarihan ka naman?” sunod-sunod ngang sambit ni Gimel nang dahil sa kaniyang pag-aalala. “Mas malalakas ang bampira sa amin at sila ang tinuturing na mga Supremo sa buong Fotia at ang siyang kinatatakutan maging ng ibang aswang,” ani ni Tunku na siyang dahilan upang kunot-noo siyang tignan ngayon ni Gimel. “B—bampira? Totoong may bampira at aswang?” “Hindi ka pa rin naniniwala gayong nakita mo na lahat-lahat ang aking kapangyarihan?” Agad ngang natigilan si Gimel at napahinga ng malalim. “Ako muna ay mauuna dahil kailangan ko pang hanapan ng sariwang dugo ang mga bampirang iyon.” “Hindi—hindi mo gagawin iyon Tunku,” pigil ni Gimel na siyang hinawakan nga ang maliit na braso ng Kibaan. “Hindi ka mananakit ng tao para kunin ang kanilang dugo—“ “Hindi ko iyon magagawa Gimel, samakatuwid ay magtutungo ako sa mga pagamutan upang kumuha ng mga dugo.” “Mauuna na ako—“ “Ganon-ganon nalang ba nila kayo tratuhin?” Ngunit natigilan ngang muli sa pag-alis ang Kibaan nang dahil sa katanungang iyon ni Gimel. “Ano ang iyong ibig sabihin?” “Ang mga bampira, ganon ba lagi trato nila sa inyo?” Marahan ngang tumango si Tunku bilang sagot. “T—teka, ito ba ang tulong na hinihingi mo sa oras na maging magkaibigan na tayo?” At sa pangalawang pagkakataon ay muli ngang tumango si Tunku bilang sagot. “May kakaiba kang lakas Gimel at ni hindi ko alam kung bakit at kung ano ka. Pero kailangan namin ng aking mga kauri ng isang taong magproprotekta sa amin mula sa mga bampira. Isang taong kasing-lakas din nila.” Unti-unting napabuntong hininga si Gimel at tinignan ng diretso ang Kibaan. “Kung gayon ay tinatanggap ko na ang iyong regalo maging ang pagkakaibigan na inaalok mo, hindi dahil wala akong pakialam sa buhay ko. Kundi dahil nais kong tumulong sa inyo.” Unti-unting napangiti ng pagkalaki-laki ang Kibaan na siyang walang pasubali ngang niyakap si Gimel. “Wala ka bang balak na komprontahin siya gayong halos isang linggo na rin ang nakakalipas nang tanggapin mo ang aking alok at hiniling mo sa palayok na ibalik ang iyong ala-ala?” “Sa oras na gawin ko iyon Tunku ay natitiyak kong aalisin niyang muli ang ala-ala ko at baka pati ang ala-ala ko sa iyo ay alisin niya rin. At hindi natin alam baka pati ikaw ay saktan niya sa oras na malaman niyang tinutulungan mo ako.” “Ikaw ay may katuwiran ngunit ako ay tunay ngang nagtataka lamang kung ano ba talaga ang iyong binabalak mahal kong kaibigan?” “Nais kong obserbahan muna si Afiya at kung sino pa ba ang iba pa niyang mga kasama,” ani ni Gimel na siyang ibinaling ang tingin sa Kabaan. “Tunku, nais kong malaman lahat-lahat ng patungkol sa mundo ninyo.” “Sigurado ka bang nais mong malaman ang lahat-lahat? Dahil sa oras na malaman mo ang lahat-lahat patungkol sa amin ay kaligtasan mo rin ang siyang magiging kapalit nito.” “Nais kong tumulong Tunku—nais kong tulungan hindi lamang ang mga taong binibiktima nila kundi maging ang mga kauri mo.” Unti-unting ngumiti ngayon si Tunku at marahan ngang tinanguan si Gimel. _________________________ Palubog na ang araw nang unti-unting naalimpungatan si Gimel mula sa pagkakahiga sa damuhan. Napakamot siyang tuluyan ng kaniyang ulo nang mapagtantong mukhang nakauwi na halos lahat ng mga estudyante. Dahilan ito upang agad siyang nagpasyang tumayo na at balikan ang mga gamit niya sa kanilang classroom. Pagbukas ng elevator ay natigilan ng husto si Gimel at napakunot ng kaniyang noo nang makarinig ng kalmadong melodiya na siyang nagmumula sa music room malapit sa kanilan classroom. Marahan itong naglakad palapit at tuluyan ngang nawala ang kunot sa kaniyang noo nang mapagtanto kung sino ang nagpapatugtog ng biyolin. Hindi nito maiwasang mapangiti nang makita kung sino ang tumutugtog. Nakapikit ang mga mata habang nakangiting pinapatugtog ang biyolin ng mga melodiyang makakapagpatigil sa sino mang makikinig nito. Ang bawat melodya ay tila ba hele na tunay ngang papatulugin ka. Nang matigil ang pagtunog ng biyolin ay gayon din ang pagmulat ni Gimel ng kaniyang mga mata. “G—gimel?” “I—I’m sorry to disturb you—mauna na ako,” ani ni Gimel na siyang napatalikod nga ngayon at akmang aalis na ngunit madaliang tumayo sa pagkakaupo ang dalaga at tumakbo nga at hinarangan sa daan si Gimel. “Teka lang Gimel, pauwi ka pa lang?” “Oo—“ “Then that’s good, sabay na ako sa’yo.” “What? S—saan ka ba nakatira Afiya?” kunot noong tanong ni Gimel. “Sa street malapit sa inyo,” sagot nito na siyang bumalik nga sa music room upang ayusin ang ginamit na biyolin. “Alam mo kung saan ako nakatira?” “N—napulot ko ‘yong ID mo remember? Then, I saw your address there.” “Really? Nakatira ka sa street malapit sa amin?” Agad ngang ngumiti at tumango si Afiya bilang sagot. “Si Afiya? Naroon siya noong araw na iyon at iniligtas ako mula sa bampirang si Ebraheem?” sunod-sunod na tanong ni Gimel kay Tunku nang tuluyang manumbalik ang kaniyang mga ala-ala. Tumango nga si Tunku bilang sagot dito. “T—teka kung ikaw ay isang K—kibaan at ang iyong Ebraheem at mga kasama niya ay mga bampira, ano namang klaseng maligno si Afiya?” “Isa siyang serena at ang siyang Amethyst ng Nero,” sagot ni Tunku na gamit nga ang kapangyarihan ay ipinakita nga sa palayo ang larawan ng Nero. “A—amethyst?” “Amethysts ang tawag sa mga tagaprotekta ng bawat sektor ng Berbaza.” “At si Afiya nga ang siyang Amethyst ng Nero at ang kauna-unahang prinsesa ng Nero na nakahawak sa kanilang Amethyst.” “Isa rin siyang prinsesa?” Marahan ngang tumango si Tunku bilang tugon. “Tara na Gimel?” tawag ni Afiya sa binata na siyang natapos na ngang maiayos ang ginamit na biyolin. Agad na natauhan si Gimel at marahang tinanguan ang dalaga. “Ngunit Gimel, papaalalahanan lamang kita na mag-iingat ka kay Binibining Afiya,” ani ni Tunku dahilan upang kunot-noong tignan siya ngayon ni Gimel. “B—bakit naman Tunku? Hindi ba iniligtas niya ako mula sa bampira at tila ba prinoprotektahan niya ako sa pamamagitan ng pag-alis sa mga ala-ala ko?” “Ang mga sirena Gimel ay mapaglinlang. Kaya nilang manipulahin ang iyong emosyon patungo sa kanila at kaya rin nilang basahin ang isip mula sa pinakasimula ng iyong hininga. Hindi ko alam kung anong motibo ng Amethyst bakit tila nais niyang mapalapit sa iyo. Hindi ka nakakasiguro na baka noong una niyo pa lamang na pagkikita ay namanipula na ni Binibining Afiya ang iyong emosyon kaya’t tila magaan ang pakiramdam mo patungo sa kaniya.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD