— CEBU
“Uy, gabii na, wa pa ka makauli? (Gabi na, hindi ka pa uuwi?)”
“Tapuson ko na lang ini nga imbentaryo boss, (Tapusin ko lang itong imbentaryo boss)” sagot ng lalaki na siyang abala sa pagsusulat ng bilang ng mga natirang produkto sa mini mart na pinagtratrabahuan niya.
“Wala pa maayo ang imong samad sa paa Waldo (Hindi pa magaling ang mga sugat mo sa paa Waldo)”—ani ng matanda na siyang tinignan nga ang kaliwang paa ng lalaki na nakabenda dahil sa kagat ng aso—“sigurado ka nga makauli ka nga mag-inusara? (Sigurado ka bang kaya mong umuwi mag-isa?)”
“Okay ra ko boss makalakaw pa ko ug daghan pa siguro ko mahuman karon. (Ayos lang ako boss, kaya ko pa naman maglakad at tiyaka marami-rami pa akong tatapusin ngayon eh)”
“Sure ka nga di ka muuli nako? (Sigurado ka bang hindi ka sasabay sa akin sa pag-uwi?)” tanong muli ng matandang lalaki na siyang nagmamay-ari ng mini mart.
Umiling ang lalaki bilang sagot dahilan upang marahang tumango ang matanda.
“Sige, unahon ko si Waldo. Siguruha lang nga masira nimo kini nga tindahan sa husto ha? (O sige, mauuna na ako Waldo. Siguraduhin mo lang na maisasara mo ng maayos itong tindahan ha?)”
Nakangiting tinanguan siya ng lalaki dahilan upang tuluyan na siyang lumabas sa mini mart.
Pagkatapos ng ilan pang minuto ay tuluyan nang natapos ni Waldo ang pag-iimbentaryo dahilan upang iunat niya ngayon ang kaniyang dalawang kamay at mapabuntong ng hininga bago pa man tuluyang isara ang malaking notebook na pinagsusulatan niya.
Nang akmang tatayo na siya mula sa pagkakaupo ay natigilan siya at napakunot ng kaniyang noo nang makarinig ng kalabog mula sa staff room.
Marahan siyang tumayo at muling natigilan nang muling makarinig ng kalabog dahilan upang taranta niyang kunin ang walis sa tabi niya at dahan-dahan ngang naglakad patungo sa pintuan ng staff room.
Sa lakas ng kabog ng kaniyang puso habang hawak-hawak ang doorknob ng pintuan ay hindi niya ngayon maiwasang manginig mula sa kaniyang kinatatayuan.
Nang mabuksan niya ang pintuan ay unti-unting nanlaki ang kaniyang mga mata nang makita ang nagkalat na dugo sa sahig dahilan upang mabitawan niya rin ngayon ang hawak niyang walis.
At nang dahan-dahan niyang sinundan ang pinanggalingan ng dugo ay agad siyang napaatras nang makita na hindi tao ang siyang gumawa ng kahina-hinalang krimen. Bagkus ay tila isang maligno na namumutla ang mga balat, kulay pula ang mga mata at nababalot ng dugo ang kaniyang buong labi na siya niyng dahan-dahan na pinunasan habang nakangisi at diretsong nakatingin ngayon sa lalaki.
“B—bampira? G—giunsa nimo pagkasulod niini nga kabuang!? (Bampira?Papaano ka nakapasok ditong maligno ka!?)”
“Naaamoy ko,” ani ng bampira na siyang unti-unting ipinikit ang mga mata at marahang sininghap ang hangin at nang pagmulat ng kaniyang mga mata ay agad nga niyang ibinaling ito sa nakabendang paa ng lalaki. “Kung gaano katamis at kasarap ang dugong nananalantay sa sistema ng iyong katawan.”
“Huwag kang lalapit sa aking halimaw ka—“
“Huwag kang matakot, akin laman titikman ang iyong dugo,” pakli ng bampira na siyang mabilisang naglaho sa kaniyang kinatatayuan at lumitaw nga sa harapan ng lalaki.
“Parangawa mo na, may mga anak ako—“
“Shhh—hindi kita sasaktan bagkus ay titikman ko lamang ang dugo mo,” pakling muli ng bampira na siyang marahang hinaplos ang leeg ng lalaki dahilan upang magtaasan ang balahibo nito sa katawan.
Unti-unting naglabasan ang napakatulis na pangil ng bampira at walang pasubaling inilapit ito sa leeg ng lalaki.
“Parangawa mo na—“
Isang napakalakas nga na sigaw ang siyang umalingawngaw sa buong kwarto nang tuluyang bumaon sa leeg ng lalaki ang mga pangil ng bampira.
_________________________
Unti-unting bumagal ang takbo ng kotseng sinasakyan ngayon ni Gimel nang mapansin ng kaniyang ina ang kumpulan ng mga tao sa harap ng mini mart na madalas madaanan ni Gimel patungong eskwelahan.
Sa kalsada ay nagkalat din ang mga sasakyan ng mga pulis dahilan upang magkahinala na si Gimel at ang ina nito na mukhang may krimeng nangyari sa nasabing mini mart.
Ibinaba ng kaniyang ina ang bintana ng sasakyan at tinawag nga ang kakilalang pulis na isa sa mga nagbabantay ngayon sa mga kumpulan ng tao.
“Attorney Ocampo, kayo po pala iyan,” ani ng pulis nang makilala ang ina ni Gimel.
“Sarhento Yulo, anong nangyayari rito?”
“Duha ka lawas ang napalgan sulod sa mini mart attorney. Usa ka bata ug ang cashier sa mini mart, (May natagpuan pong dalawang bangkay sa loob ng mini mart attorney. Isang bata at ang cashier ng mini mart)” sagot ng pulis dahilan upang ibaling ngayon ni Gimel ang tingin sa mini mart nang saktong inilabas na nga ang mga bangkay mula sa mini mart.
“Murder Case?”
“Kanang kadudahang attorney kay naa man silay mga edges. Ug ang pagkawala sa dugo mao ang hinungdan sa ilang kamatayon, (Yaon po ang hinala attorney dahil may gilit po pareho ang mga leeg nila. At pagkaubos nga po ng dugo ang siyang sanhi ng pagkamatay nila)” paliwanag ng pulis. “Sige attorney, mauna ko kay murag kinahanglan ko nila Chief sa sulod. (Sige attorney, mauuna na ako dahil mukhang kakailanganin na ako nila Chief sa loob)”
“Sige Sarhento, salamat kaayo. (Sige Sarhento, maraming salamat)”
Ibinaba na ngang tuluyan ng ina ni Gimel ang bintana at muli na ngang pinatakbo ang sasakyan.
“Gimel, are you sure na pupunta ka pa sa camp ninyo?” tanong ngayon nito kay Gimel dahilan upang matigilan si Gimel sa akma niyang pagsuot muli ng earphone. “Hindi lang ako mapalagay dahil sunod-sunod ang murder cases ngayon dito sa bayan. And I am just thinking about your safety anak.”
“M—murder? What kind of murder ang nangyari sa mini mart?” sunod-sunod na tanong ni Gimel.
“It is not yet confirmed Gimel pero ang sabi ay pareho raw na may giit ang leeg ng bata at nong cashier,” sagot ng ina nito. “Gimel, I want you to be safe. It is better na ako nalang muna siguo ang maghahatid sa’yo sa school at ayaw ko na rin na sumama ka pa sa camp niyo today.”
“May mga kasama pong pulis sa camp site and I don’t think magkakaroon ng lakas ng loob ang mga murderer na iyon na mambiktima ng mga students kung kasama namin ang mga pulis. You don’t have to worry.”
Tuluyan ngang napabuntong hininga ang ina nito na siyang ibinaling muli ang atensyon sa daan.
_________________________
“Afiya, anong nangyayari? Bakit nagsisiuwian ang ibang students?” bungad ni Gimel kay Afiya na siyang kasalukuyan ngang nakaupo’t abala sa pagbabasa ng libro nang tanungin siya ni Gimel.
“They might be scared?” tugon ni Afiya na siyang ibinaba na nga ang hawak na libro at sinalubong nga si Gimel ng ngiti.
“S—scared?”
“I am sure nabalitaan muna ‘yong nangyari sa bayan, doon sa may mini mart?”
Unti-unti ngang tumango si Gimel bilang sagot.
“Maraming nag-back out kasi takot sila na baka ‘yong murderer ay pumunta rin sa camp site at pumatay ng mga estudyante,” ani ni Afiya na siyang tumayo mula sa pagkakaupo at pumunta nga sa bintana upang silipin ang sunod-sunod na paglabas ng mga estudyante mula sa kanilang paaralan.
“Ikaw, natatakot ka na rin bang pumunta sa camp because of that incident?” baling na tanong ni Afiya.
“No, may mga pulis naman tayong kasama and I am sure na hindi magkakalakas ng loob ang kriminal na pumunta sa camp site at pumatay.”
“Makahadlok kana. Kinsay gustong magkampo nga nasayod nga wala pa madakpi ang kriminal? (Nakakatakot naman 'yon. Sino ba namang gaganahan na magcamp knowing na hindi pa nahuhuli ang kriminal?)”
Natigilan nga ang dalawa sa pag-uusap nang sunod-sunod na pumasok sa classroom nila ang mga kaklase kasabay ang kanilang guro.
Agad ngang naupo ang dalawa sa kanilang upuan at inantay ngang makaayos ang kanilang guro sa harapan.
“I think you have already heard the news and some you nga ay nagback-out na because of it,” panimula ng guro nila dahilan upang ilibot ni Gimel ang kaniyang paningin at makitang labinlima na lamang ang natitira sa klase nila na mukhang magtutuloy sa camp. At karamihan nga sa mga natira ay ang barkada halos ni Joseph.
“Sa lahat ng mga nandito, if you are still willing to join the camp kindly raise your hands para malaman namin if itutuloy pa ba ito.”
Agad ngang nagtaasan ng mga kamay ang labinlimang natira ngunit ang ilang pa dito ay nag-alinlangan sa una dahil sa iba’t ibang kadahilanan.
“Di ko gusto naay muapil pero sayang imong gibayran. (Ayaw ko ng sumali pero sayang naman iyong perang binayad)”
“Okay I’m glad to know na marami pa ring sasali. We will make sure na safe kayo sa campsite dahil tulad ng dati ay marami tayong makakasamang mga pulis sa mismong campsite.”
_________________________
“Gimel.”
“Uy Gimel!”
Agad ngang natigilan ang binata sa paglalagay ng maleta niya sa sasakyang sasakyan nila patungo sa campsite.
At madalian nga itong natungo sa kinaroroonan ngayon ni Tunku.
“Tunku, anong ginagawa mo dito? Baka mamaya niyan may makakita pa sa’yo.”
“Gimel, nabalitaan mo ba iyong nangyari—“
“’Yong namurder na dalawang tao sa mini mart?”
“Gimel, kailangan mong mag-ingat,” ani ni Tunku na siyang dahilan upang kunot noo siyang tignan ngayon ni Gimel.
“B—bakit Tunku?”
“May nakapagbalita sa akin na Kibaan na hindi raw tao ang may gawa non bagkus ay bampira,” sagot ni Tunku dahilan upang matigilan si Tunku.
“B—bampira? Hindi ba sinabi mo Tunku na ipinagbabawal sa inyo ang pumatay ng mga taong katulad ko?”
“Yaon ang napagkasunduan ng lahat sa Berbaza na siya ring napagkasunduan ng aming mga Amethysts. Kami ay tunay ngang nagtataka rin Gimel, at ang bawat isa sa amin ay tunay ngang natatakot na rin sa maaaring gulo na maaaring idulot nito.”
“Gimel?”
Madalian ngang naglaho si Tunku at agad din namang humarap si Gimel sa kaniyang likuran.
“T—tinatawag ka na sa van, may kinakausap ka ba Gimel?” kunot noong tanong ni Javier dahilan upang agad na mapailing si Gimel.
“I—I am in a call with my dad,“ nag-aalangang sagot ni Gimel.
“Ah sorry, mukhang naistorbo ko pa kayo pero paalis na kasi tayo kaya inutusan akong hanapin at tawagin ka,” ani ni Javier na siyang napakamot pa nga ngayon ng kaniyang batok.
“It’s okay, pa-end na rin naman iyong tawag.”
“G—gimel,” sambitla ni Javier dahilan upang matigilan ang binata sa paglakad papunta sa van.
“Gusto ko sanang mag-thank you sa pagtatanggol mo sa akin sa cafeteria. I don’t have any courage to talk to you noong mga nakaraang araw pero I am really thankful sa pagtatanggol mo sa akin Gimel. Ikaw lang ‘yong taong nagkalakas ng loob na ipagtanggol ang isang mahinang katulad ko,” patuloy nito na siyang dahilan upang marahang tumango ngayon si Gimel.
“Kahit sino namang tao ang apihin o bully nila Joseph ay ipagtatanggol ko dahil ‘yon ang tama. Minsan na rin akong nabully like you and one person fought for me too pero that one person—siya rin ‘yong nagturo kung paano ko ipagtanggol ang sarili ko sa ibang tao dahil hindi sa lahat ng pagkakataon ay naroon siya para ipagtanggol ako,” ani ni Gimel. “Kaya kung ako sa’yo Javier, tulungan mo ‘yong sarili mo dahil hindi sa lahat ng pagkakataon ay may taong magtatanggol sa’yo.”
“I can’t Gimel—I am not as strong as you.”
“Hey students! Hali na kayo rito at aalis na!”
_________________________
“The campsite is protected by the police. No one is allowed to go outside the campsite or premises to avoid any accidents. Klaro ba students?”
“Yes ma’am.”
“This is not exciting at all,” usal ni Joseph na siyang dinig ni Gimel.
“Tutal nandito naman si Javier ay magiging exciting ang night natin mamaya Joseph,” ani ni Willie na siyang nakaakbay nga ngayon kay Javier.
“Magkakagulo lang Gimel, just don’t mind them,” ani ni Afiya nang mapansin ang pagtikom ng mga kamao ni Gimel.
“O’ right! Javier could save this boring camp,” nakangising sambit ni Joseph na siyang marahang tinapik ang mga pisngi ni Javier.
“Okay students, you could set your own tents na and at nine o’ clock in the evening ay pumunta kayong lahat sa hall for the orientation.”
_________________________
Habang abala ngayon ang mga estudyante sa pag-aassemble ng kanilang mga tents ay hindi nga maiwasan ni Gimel na ibaling ang tingin sa grupo nila Joseph na kasalukuyang pinagtritripan ngayon ni Javier at inuutusan ngang siya ang mag-ayos ng mga tents nila.
“Bilisan mo naman Javier!” bulalas ni Joseph na siyang walang pasubaling itinulak si Javier dahilan upang matumba ito sa putikan at tawanan nang iba pang mga estudyante.
“Hey!”
At tuluyan na ngang hindi napigilan ni Gimel ang sarili at binitawan nga ng hawak na mga gamit at naglakad ngayon papunta kina Joseph.
“Wala ba talaga kayong magawa sa mga buhay niyo ha?” sarkastikong tanong ni Gimel na siyang tinulungan nga si Javier sa pagtayo.
“Ikaw? Wala ka rin bang magawa sa buhay mo at lagi ka nalang nakikialam?!” baling na tanong ni Joseph.
“Nasa hall lang mga teachers, isang sigaw ko lang ngayon—“
“Ano magsusumbong ka Gimel?” pakli ni Willie na siyang sinabayan pa nila ng tawa ng mga kabarkada niya. “My father is the mayor of this town Gimel. At kung sa tingin mo ikaw ang kakampihan ng mga teachers ay nagkakamali ka.”
“Idiot,” sambitla ni Joseph na muli ngang tumawa kasama ang mga kabarkada.
Tuluyan ngang napabuntong hininga si Gimel at hinayaan na lamang ito.
“Mabuti pa Javier ay lumayo ka nalang sa kanila nang hindi ka nila ginaganito,” ani ni Gimel na akmang tatalikod na nga kasama si Javier.
“Henry Corpuz,” sambit ni Joseph na siyang nagpatigil kay Gimel.
“Talaga bang sasama ka sa lalaking ‘yan Javier? Eh, mas masahol pa sa akin ‘yan sa pambubully,” patuloy ni Joseph na siyang iplinay ang isang video mula sa kaniyang phone dahilan upang unti-unting manlaki ang mga mata ni Gimel at tila ba manghina.
“Like I said I have plans kung bakit ko siya pinapunta rito.”
“Tulad ng ano?”
“Ian."
“At ano namang magagawa niyan Gimel?”
“Ang bote ng gamot na iyan ay nakakapag-cause ng seizure lalong lalo na sa mga taong may epilepsy.”
“Sa oras na mainom ito ni Eugene ay tuluyan nang makikita ng buong mundo ang pinakatatago niyang baho.”
“One of the proofs na ikaw ang pumatay sa sarili mong kaibigan,” nakangising sambit ni Joseph na siyang ibinulsa na ngang tuluyan ang cellphone.
“So he did killed Henry Corpuz?”
“Grabe, nganong nisulod man siya sa among eskwelahan kung kriminal man siya? (Grabe, bakit ba pinasok iyan sa school natin kung criminal naman pala siya?)”
Unti-unti ngang lumayo ngayon si Javier kay Gimel na siyang dahilan upang mapatikom si Gimel ng kaniyang kamao at unti-unting umatras mula sa mga nagbubulungang mga estudyante.
At nang tuluyang hindi na makontrol ang sarili dahil sa muling sunod-sunod na pagbabalik ng ala-ala sa bangungot na nangyari sa kanilang eskwelahan ay tuluyan na nga siyang tumakbo papunta sa kagubatan palayo sa campsite.
Hingal na hingal na naupo si Gimel sa isang sanga ng naputol na puno at taranta nga nitong pinipigilan ang kamay sa panginginig.
“Gimel,” sambitla ng isang pamilyar na boses dahilan upang unti-unti niyang itinaas ang kaniyang paningin.
“H—henry?”
“Gimel, bakit mo ginawa ‘yon? May nagawa ba akong mali para patayin mo ako Gimel?”
“Henry, I—I’m sorry. I don’t have any intention na saktan ka—I’m so sorry Henry—“
“Nababaliw ka na nga talaga Gimel Trevor Perez.”
Tuluyan ngang natigilan si Gimel at ibinaling ang tingin sa kaniyang kaliwa dahilan upang makita niya sila Joseph na siyang sinundan siya sa paglayo mula sa campsite.
Nang muli niyang ibinaling ang tingin sa kaniyang harapan ay wala na nga roon si Henry.
“Mukhang tama nga akong ito na ang pagkakataon para pagbayarin ka sa ginawa mo sa amin,” ani ni Willie na siyang walang pasubaling sinuntok ngayon si Gimel dahilan upang bumagsak siya sa lupa.
“Wala kang karapatang saktan ako o ang sino mang kaibigan ko!” bulalas ni Willie na siyang sunod-sunod ngang pinagsusuntok si Gimel na kasalukuyang nakahandusay na sa lupa at duguan na ngang tuluyan ang pagmumukha.
“O’ Willie, easy, magtira ka naman sa akin,” nakangising ani ni Joseph dahilan upang mapatayo ngayon si Willie. “Pero sige, kung sa’yo ang taas ay akin naman ang baba.”
“Itayo niyo ‘yan,” utos ni Joseph dahilan upang itayo nila si Gimel at hinawakan nga ang magkabilaang kamay kasunod nang sunod-sunod na pagsuntok at pagsipa ni Joseph sa tiyan nito.
“Ano Gimel?! Lalaban ka pa bang hayop ka?!”
Unti-unti nang nagdidilim ang paningin ni Gimel at hinang-hina na rin ang buo niyang katawan dahil sa mga suntok nila.
“Hindi ka na kasi dapat nangingialam pa!” bulalas ni Willie na siya namang pinalitan si Joseph at akmang susuntukin na sana si Gimel sa mukha ngunit natigilan ito at tila ba hindi maigalaw ngayon ang buong katawan.
“Layuan niyo siya!”
“T—tunku?”
Agad ngang nanlaki ang mga mata nila nang makita ang isang maliit na tao na may mahabang buhok at ginintuang ngipin.
“Sabi nang layuan niyo siya!” sigaw ni Tunku na siyang ginamit nga ang kapangyarihan upang itulak palayo ang mga ito mula kay Gimel.
Unti-unti namang bumagsak si Gimel sa lupa nang dahil sa panghihina.
“Kaibigan, ayos ka lamang ba?” agad ngang tanong ng kibaan na siyang agad na nilapitan si Gimel.
“T—tunku—“
Unti-unting nanlaki ang mga mata ni Gimel nang makita si Joseph sa likuran ni Tunku na siyang may hawak ngayong baril na siyang nakatutok sa ulo ng Kibaan.
“Berhenti!”
Nang dahil sa sigaw ni Gimel ay tila naistatwa si Joseph sa kaniyang kinatatayuan at unti-unting naging isang bato ang buong katawan.
“J—joseph?” nanginginig na tawag ni Willie sa kaibigan na siyang nanlalaki ang mga matang tinignan si Tunku at Gimel.
“A—anong klaseng maligno kayo?”
“Willie, umalis na tayo rito—“
“Hindi kayo maaaring umalis,” ani ni Afiya na siyang naglabas ng asul na ilaw mula sa kaniyang palad dahilan upang maistatwa ang mga ito sa kanilang kinatatayuan at hindi magawang igalaw ang ano mang parte ng kanilang katawan.
“A—afiya?” sambitla ni Gimel ngunit tuluyan na ngang nagdilim ang kaniyang paningin at nawalan ng malay.
“Gimel,” sambitla ng dalaga na siyang patakbong nilapitan ang binata.
“T—tunku?”
“Binibining Afiya, tama ba ang aking nasaksihan?”
Agad ngang natigilan at bumuntong ng hininga si Afiya bago pa man nito marahang tinanguan ang Kibaan.
“Oo Tunku, akin rin itong nasaksihan,” ani ni Afiya na ibinaling ang tingin kay Joseph na siyang naging isang bato.
“Isa siyang babaylan? Hindi ba matagal nang wala ang mga babaylan—teka, may isa pang natitirang babaylan—“
“Ang anak ng tagapangalagang si Mapolan at ng babaylang si Alec,” patuloy ni Afiya na siyang ibinaling ang tingin ngayon kay Gimel at ipinatong nga ang kamay nito sa dibdib ng binata kasunod nang paglabas ng asul ng ilaw mula sa kaniyang palad.
— AERAS
“Ginoong Helios, narito po si Banak upang ihayag ang isang balita.”
Unti-unting natigilan ang binata na ngayon ngay marahang uminom ng whiskey bago pa man tinanguan ang tagabantay upang payagang pumasok ang sinabing bisita sa kaniyang opisina.
Marahang bumaba ang ravena mula sa kalangitan at unti-unti ngang pumasok sa likuran nito ang kaniyang itim na pakpak bago pa man tuluyang lapitan si Helios sa kaniyang kinauupuan.
“Magandang gabi sa iyo Ginoong Helios.”
“Ano ang iyong sadya Banak?”
“Ang mga tauhan natin sa Geo ay may balitang inihayag sa akin kamahalan,” sagot ng ravena dahilan upang mapunta ang buong atensyon sa kaniya ni Helios.
“Balita? Patungkol saan?”
“Patungkol po sa huling babaylan na si Shakir Ginoong Helios.”