— CEBU
“Isa kang napakalaking tanga!”
Umalingawngaw sa buong bubungan ng isang lumang gusali ang tunog ng pagbagsak ng isang lalaki.
“P—patawarin mo ako Ebraheem—“
“Hindi mo ginagamit iyang kukute mo Rio!”
“N—nagugutom na ako Ebraheem at hindi ko na nakontrol pa ang sarili ko,” ani ng lalaki na siyang nakaupo na ngayon ngunit unti-unti nang nanumbalik ang lakas nito.
Agaran itong lumuhod sa harapan ni Ebraheem ngunit muli’t muli lamang siya nitong sinampal ng pagkalakas-lakas sa pisngi.
“Rio, ang usapan ay hindi tayo mananakit ng sino mang mortal—“
“Ebraheem, alam mong sa oras na makainom tayong muli ng dugo ng mga mortal ay hahanapin at hahanapin ng sistema natin ang dugong iyon,” pakli ni Omer, ang kasalukuyang kanang-kamay ni Ebraheem sa pangangalaga sa Kaharian ng Fotia.
“T—tama si Omer Ebraheem. Dapat hindi mo na lamang kami pinatikim muli ng dugo ng mga mortal nang hindi ito nangyari—“
Akmang sasampalin ngang muli ni Ebraheem ang kapwa niya bampira ngunit natigilan siya nang biglang umihip ang malakas na hangin dahilan upang mapatingin silang lahat ngayon sa itaas.
“Ang Amatista ng Aeras,” ani ni Omer na siyang inutusan nga ang ibang bampira na lumuhod pwera kay Ebraheem na siyang nanatiling nakatayo at nakangisi habang sinasaksihan ang unti-unting pagbaba ni Helios mula sa kalangitan habang may buhat-buhat itong isang katawan.
“Helios ano ang iyong sadya—“
Hindi na natuloy pa ni Ebraheem ang kaniyang sasabihin nang ilapag na ni Helios ang katawan sa sahig dahilan upang mamukhaan niya kung sino ito.
“A—ano ang iyong ibig sabihin?“
“Nakita ko siya kahapon at nang bigla siyang naglaho na parang bula ay may hinuha na akong may kinalaman ka roon dahil minsan ko na kayong nakitang magkasama. At ngayon na nalaman kong naroon ka rin ay kumpirmado ko na na prinotektahan mo ang mortal na iyon mula sa amin.”
“Huwag mo siyang gagalawin Ebraheem.”
“Kung gayon ay itikom mo iyang bunganga mo Afiya nang walang sino mang malapit sa iyo ang masaktan. Hindi ko alam kung anong kaya kong gawin ngayon Afiya lalo pa’t dugo na ng maraming mortal ang siyang nananalantay sa buong sistema ng katawan ko. Kaya kung ako sa’yo, manahimik ka na lamang at huwag pakialaman kung anong paraan ang gagawin ko upang protektahan ang Fotia.”
“Ebraheem,” sambitla ni Helios dahhilan upang matauhan ito at ibaling ang tingin kay Helios.
“S—sino ang mortal na ito Helios at bakit mo siya idinala rito?”
“Panahon na para patayin mo ang huling babaylan Ebraheem,” ani ni Helios dahilan upang unti-unting manlaki ang mga mata ni Ebraheem at ibaling ngang muli ang tingin sa lalaking kasalukuyang walang malay.
“Oras na para patayin mo siya Ebraheem.”
_________________________
Unti-unting iminulat ni Afiya ang kaniyang mga mata at bumungad nga sa kaniya ang mukha ni Tunku dahilan upang agad siyang bumangon sa pagkakahiga at agad ngang inilibot ang kaniyang paningin.
“T—tunku?”
“B—binibining Afiya, mabuti at gising ka na, kanina pa kita ginigising upang pigilan silang kunin si Gimel.”
Agad ngang tumayo si Afiya at muling inilibot ang kaniyang paningin at ni wala nga siyang nahagilap na Gimel sa kaniyang paligid.
“Sinong sila ang tinutukoy mo Tunku?”
Saglitan ngang natigilan ang Kibaan na siyang at unti-unting ibinaling ang tingin sa ibong dumapo sa katabing puno.
“Ang mga ravena,” sambit ni Afiya nang mapagtanto ang ibig ipahiwatig ni Tunku.
“Alam mo Binibining Afiya na wala akong laban sa kanila—“
Natigilan ng husto si Tunku nang biglang umilaw ng asul ang mga mata ni Afiya kasabay nang paghiwalay ng kaluluwa nito sa kaniyang katawan at pagpasok ni Afiya sa kaniyang katawan.
“Ang anak ng tagapangalagang si Mapolan at ng babaylang si Alec,” patuloy ni Afiya na siyang ibinaling ang tingin ngayon kay Gimel at ipinatong nga ang kamay nito sa dibdib ng binata kasunod nang paglabas ng asul na ilaw mula sa kaniyang palad.
“Kung siya si ang anak nila Alec at ni Mapolan ay siya rin ang matagal nang hinahanap nila Ginoong Helios—“
“Ako na ang siyang magdadala sa kaniya sa mga ravena Tunku,” pakli ni Afiya rito na siyang akma na nga sanang itatayo si Gimel mula sa pagkakahiga ngunit unti-unti itong napabitaw sa pagkakahawak sa binata nang bigla na lamang unti-unting nagdilim ang paningin nito.
“Nawa’y mapatawad mo ako Binibining Afiya,” ani ni Tunku na may hawak-hawak ngayong maliit na bote ng gamot na gawa sa pinakuluang delphinium na bulaklak.
Ang bulaklak ay nagtataglay ng lason na makakapagpatay sa sino mang mortal at makakapagpahilo sa mga immortal na mapapatakan ng katas nito.
Maingat ngang hinila ngayon ni Tunku ang amatista ng tubig patungo sa katabing puno at madalian niya ngayong hinawakan ang walang malay na si Gimel kasunod ng sabay nilang paglaho sa pinangyarihan ng insidente.
_________________________
“Ano ang iyong sadya Banak?”
“Ang mga tauhan natin sa Geo ay may balitang inihayag sa akin kamahalan,” sagot ng ravena dahilan upang mapunta ang buong atensyon sa kaniya ni Helios.
“Balita? Patungkol saan?”
“Patungkol po sa huling babaylan na si Shakir Ginoong Helios.”
Unti-unting natigilan si Helios kasabay ng marahan niyang pagtango kay Banak.
“Kasama ho ngayon ng ibang mga ravena ang isang Kibaan na nagsasabing ang kasama niyang binata ay si Shakir,” ani ni Banak kasunod ng unti-unting pangingitim ng mga mata ni Helios at unti-unting pagtubo ng itim na pakpak mula sa kaniyang likuran.
“Kung gayon ay ipunta mo ako sa kanila Banak.”
_________________________
“G—ginoong Helios ang Amatista ng Aeras at ang tagapagtanggol ng aking mga kalahi,” ani ni Tunku na agad ngang napaluhod sa harapan ng binata. “Nagagalak ako na makita ka na sa wakas kamahalan.”
“Ano ang iyong pangalan kibaan?”
“Ako ho si Tunku ang anak ng dati niyong tagapagsilbi na si Kadir at Tulya,” nakangiting sagot ni Tunku na siyang marahang tinangua ni Helios na siyang nabaling ang tingin sa walang malay na binata na kasalukuyan ngayong nakaupo sa lupa.
Marahang naglakad si Helios patungo rito at kasabay niyaon ang saktong pagkakaroon ng malay ng binata na siyang unti-unti nga ngayong iminulat ang mga mata dahilan upang magtama ang mga mata nila ni Helios.
Tuluyang napatigil sa paglalakad si Helios nang maramdaman ang saglitang pagkirot ng kaniyang puso.
Unti-unting natigilan at marahang ngumiti ang amatista. “Siya nga— siya nga si Shakir.”
“Ipinagkanulo mo si Gimel?” gulat ngang tanong ni Afiya nang bumalik na siyang muli sa kaniyang katawan matapos makita ang laman ng isipan ni Tunku.
Unti-unti ngang napaatras si Tunku na siyang umiwas nga agad ng tingin sa mga nanlilisik na mata ni Afiya.
“P—patawad Binibini ngunit kinakailangan ko ang karangalang iyon upang protektahan ang aking mga kalahi—“
“Tunku, ano bang sinasabi mo? Paanong makakatulong ang bagay na iyon sa proteksyon ng iyong mga kalahi?”
“Nasiyahan ang pinuno ng ravena na nahanap ko na sa wakas ang nawawalang babaylan at ginantimpalahan nga niya ako dahil sa bagay na iyon. Kailangan ko ang gantimpalang iyon Binibining Afiya upang protektahan ang buong angkan ng Kibaan laban sa mga aswang,” paliwanag ni Tunku ngunit marahan ngang umiling si Afiya.
“Tunku hindi mo alam kung anong kakalabasan ng iyong ginawa—“
“Teka binibini, hindi ba iyon din naman ang iyong gagawin? Hindi ba kaya ka galit ngayon ay dahil naunahan kita sa pagbibigay sa babaylan na iyon sa mga ravena?” kunot-noong mga tanong ni Tunku na marahang tinignan sa mata ni Afiya na siyang agad ngang napaiwas. “O ako ba ay nagkakamali sa aking akala?”
“Tunku—“
“Hindi mo siya nais ibigay sa mga ravena,” pakli ni Tunku na siyang dahilan matahimik si Afiya. “N—ngunit bakit? Hindi ba kayong mga amatista ang halos limang daang taong naghahanap kay Shakir upang patayin ito at pigilan ang nakatakda?”
“Huwag mong sabihin na nahulog na ang iyong—“
“Hindi Tunku,” pakli ni Afiya na siyang buntong hininga ngang tinignan sa mga mata ang Kibaan.
“Ang tanging dahilan ko lamang ay ang ako mismo ang papatay sa babaylan na iyon upang sa akin mapunta ang karangalan na manggagaling sa Bathala. Tulad mo ay kailangan ko rin ng karangalan upang maprotektahan ang aking mga kalahi,” patuloy ni Afiya na siyang unti-unti nga ngayong nilapitan si Tunku. “Kaya ngayon Tunku, sabihin mo sa akin kung saan idinala ni Helios si Gimel kung ayaw mong pati ako ay may gawing masama sa mga Kibaan.”
— FOTIA
“Nakaalis na ba sila?” tanong ni Ebraheem sa kaniyang mga kasamang bampira habang nakatuon ang buo niyang atensyon kay Gimel na wala ngayong malay at nakatali ang parehong kamay at paa.
“Oo Ebraheem nakaalis na ang mga ravena at nakahanda na rin ang iba sa pagpuksa sa babaylan,” sagot ni Omer.
“Kung gayon ay umpisahan niyo na,” ani ni Ebraheem dahilan upang tanguan ni Omer ang mga bampira hudyat ng kanilang paglapit kay Gimel.
Isang sigaw ang umalingawngaw sa paligid nang saksakin ni Omer ang tiyan ni Gimel.
Agad na nanlaki ang mga mata nito nang makita ang mga nakapalibot na mga tao sa kaniya na may mga nagtutulisang mga pangil at namumulang mga mata.
“S—sino kayo?! Anong gagawin niyo sa akin—“
Hindi na nga naituloy pa ni Gimel ang kaniyang sasabihin nang mabilisang lumapit sa kaniya si Rio at ibaon ang mga pangil nito sa leeg ni Gimel.
At tuluyan na ngang sumunod ang iba pang mga bampira sa ginawang iyon ni Rio dahilan upang unti-unting mamutla si Gimel kasabay nang unti-unting pagtigil sa pagtibok ng kaniyang puso.
“Tama na!” bulalas ni Ebraheem dahilan upang agad na lumayo ang mga bampira sa wala ng buhay na katawan ni Gimel.
“Ang sabi ko simulan niyo lang!” sigaw ni Gimel na siyang namumula na nga ang mga mata at nakalabas na rin ang mga pangil.
“Pasalamat kayo may konti pang dugong natitira sa kaniyang sistema,” patuloy nito na siyang ibinaon na ngang tuluyan ang mga pangil sa leeg ni Gimel.
Nang matapos ay inabutan nga siya ng puting tela ni Omer na siya niyang marahang ipinunas sa kaniyang bibig na napapalibutan nga ng dugo.
“And it’s done!” nakangising ani ni Ebraheem.
“But before we wrap up everything here, sino gustong makipagpustahan?” tanong nito sa kaniyang mga kasama.
“Anyone?”
Marahan silang nagtaasan ng kanilang mga kamay nang itaas ni Omer ang kaniyang kamay dahilan upang mapangiti si Ebraheem at ibaling ang tingin sa walang buhay na si Gimel.
“Kung susuntukin ko siya ngayon ng pagkalakas-lakas sa tingin niyo ba ay may dugo pang lalabas mula sa bunganga niya?”
Sunod-sunod ngang tumawa ang mga bampira nang dahil sa tanong nito.
“So you have voted lahat na wala”—ani ni Ebraheem na siyang napakagat nga ng kaniyang ibabang labi at itinikom ang kaniyang kamao—“pero let’s see if tama kayo.”
Marahan nga nitong ibinuwelo ang kaniyang kamao at buong pwersa ngang sinuntok ang tiyan ni Gimel ngunit halos sabay-sabay ngang natigilan ang mga bampira maski si Ebraheem nang sabay-sabay na nagsakitan ang mga tiyan nila kasabay ng pagsusuka nilang lahat ng dugo.
Unti-unting napaayos ng tayo si Ebraheem at nanlalaki nga ang mga matang tinignan si Gimel na siyang unti-unti na ngayong nagkakamalay at ang maputla na nga nitong katawan ay unti-unti na ring nanunumbalik sa normal.
Namula ngang tuluyan ang mata ni Ebraheem ng dahil sa inis at mabilisan nga ngayong nilapitan si Gimel at buong pwersa nga niya itong sinampal at sa pangalawang pagkakataon ay lahat nga ng mga bampira ay natigilan nang makaramdam ng sakit mula sa kanilang mga pisngi.
Unti-unti nang nagkakamalay muli si Gimel na siya ngang marahang iminulat ang kaniyang mga mata dahilan upang si Ebraheem agad ang kaniyang makita na kasalukuyang hawak-hawak ngayon ang kaniyang pisngi.
“Sino ka?” nauutal na tanong ni Gimel na siya ngang nanlalabo pa rin ang paningin ngunit kalaunan ay tuluyan na ngang nakita si Ebraheem ngunit natigilan nga siya nang suntukin siya nito sa mukha.
Ngunit natigilan ngang husto si Gimel nang magsigawan ang mga bampira at si Ebraheem habang hawak-hawak ang kanilang mga mukha.
“Ebraheem, anong nangyayari?!” bulalas ni Omer na siyang paika-ika ngang nilapitan si Ebraheem nang dahil sa panghihina.
“N—ni hindi ko rin alam Omer,” sagot nito na nanlalaki pa rin nga ang mga mata habang iniinda ang sakit ng kaniyang mukha ang tiyan.
“Ebraheem, anong ang inyong ginagawa?”
Sabay-sabay ngang nabaling ang atensyon ng mga ito sa isang matandang lumitaw ngayon sa kanilang gitna na tulad nila hawak-hawak din ag tiyan at ramdam din nga ang sakit ng mukha.
“Maginoong Mirza—“
“Ang huling babaylan,” ani ng matanda na siya ngang nanlalaki ngayon ang mga mata at halos hindi nga makapaniwala ngayon sila Ebraheem nang unti-unting lumuhod ang matanda sa harapan ni Gimel.
“Maginoo ano ang inyong ginagawa?” gulat ngang tanong ni Ebraheem.
“Totoo nga ang kwento ng ating mga ninuno,” ani ng matanda habang diretsong nakatingin sa mga mata ni Gimel. “Sa iyo ngayong nanggagaling ang taglay naming mga lakas.”