Unang Bahagi: Kabanata 16

1632 Words
~Taong 1330~ — BAROUSSAI “Galura, m—mabuti at narito ka na, kamusta ang laban? Nailayo niyo ba siya mula kanila ama?” Unti-unting napaiwas ng tingin ang uripun (pinakamababang uri sa lipunan bago dumating ang mga Kastila noong taong 1500’s) na siya ngang unti-unting lumuhod sa harapan ng rani dahilan upang kunot-noo siya ngayong tignan nito. “Galura—“ “I—ikinalulungkot kong ibalita sa inyo Punong Rani Aisyah, ngunit huli na po ang lahat mahal na rani,” ani ng dalaga dahilan upang unti-unti ngayong pumatak ang mga luha ng rani. “H—hindi, hindi ito totoo Galura. Pawang kasinungalingan lamang ang iyong sinambit,” sambit ng rani na siyang kamuntikan ng nawalan ng balanse nang dahil sa panginginig ng kaniyang mga tuhod. “Hindi ba sinabi ko sa inyong ilayo niyo siya mula sa digmaan?! Bulalas ng rani na siyang umalingawngaw sa buong kwarto kasabay nang pagbato niya ng napakalakas na mahika dahilan upang mabutasan ang pader sa likuran ng uripun. “M—mahal na Rani, sinubukan namin siyang pigilan ngunit—“ “H—hindi. Hindi ako makakapayag na mawala siya sa akin Galura,” ani ng rani. “Punong Rani ipagpatawad niyo—“ “Nasaan siya? Nasaan ang katawan niya Galura?!” Unti-unting nanlaki ang mga mata ng uripon na siya ngang tumayo agad mula sa pagkakaluhod. “Punong Rani, hindi mo maaaring—“ “Galura, sagutin mo ang katanungan ko! Saan naroon si Hiram?!” ~2018~ —FOTIA “Ang ibig niyo bang sabihin Maginoong Mirza ay naramdaman niyo rin ‘yong weird na sakit na ‘yon kanina?” “Oo Ebraheem, naramdaman ng buong lupon ng mga bampira ang sakit na yaon,” sagot ng matanda dahilan upang kunot noo siyang tignan ngayon ni Ebraheem. “R—really?” Unti-unting tumango ang matanda na siyang masinsinang pinagmamasdan si Gimel sa hindi kalayuan. “B—bakit? Hindi ko maintindihan maginoo? Sinumpa ba tayo ng mga tagapangalaga? O dahil na naman ba ito sa ginawang katangahan ni Rio?” kunot-noong tanong ni Ebraheem dahilan upang mapabuntong hininga ang matanda at ibaling ang tingin sa kaniya. “Walang kinalaman ang mga tagapangalaga ng Sihir dito Ebraheem. At ang ginawang paglabag ni Rio sa kasunduan ay labas din dito at ibang usapan din yaon na kailangang pag-usapan kasama ng ibang mga amastista at ibang mga maginoo.” “K—kung gayon ay ano? Bakit nangyari ‘yon kanina?” Marahang bumuntong ng hininga ang matanda at muli ngang ibinaling ang tingin kay Gimel. “Matagal nang may kwento-kwento ang ating mga ninuno na ang gumawa raw ng unang bampira ay isang babaylan mula sa mga maharlika na si Punong Rani Aisyah Abiad ng Baroussai,” sagot ng matanda dahilan upang unti-unting mawala ang kunot sa noo ni Ebraheem. “Ang unang bampira na si Punong Lakan Hiram ay ang una at huling pag-ibig ni Rani Aisyah. Ang sabi-sabi ay namatay raw ang lakan sa digmaan ng Maniolas at ng Baroussai. At nang dahil nga sa pagmamahal ng rani ay ginamitan niya ng isang mahika ang Punong Lakan. Ang hindi alam ng rani ay may kaakibat ang mahikang ito na isang sumpa o para sa iba ay regalo—ang walang hanggang buhay sa mundong ito.” “At tayong lahat na mga bampira ay nanggaling sa Punong Lakan Hiram kaya’t sa oras na patayin natin si Gimel na siyang nag-iisang natitirang babaylan ay mawawala rin ang ating buong lahi? Tama ba ang aking hinuha Maginoong Mirza?” tanong ngayon ni Omer na siyang unti-unti ngang tinanguan ng matanda. “Tama nga ang iyong sinambit Omer. Hindi niyo maaaring patayin si Shakir sapagkat sa kaniya nagmumula ang kapangyarihan at buhay nating mga bampira.” Unti-unti ngang nabaling ang tingin ni Ebraheem kay Gimel at marahan ngang napabuntong hininga ito. “Ngunit paano namin gagawin iyon Maginoo kung inutos sa akin ni Helios na patayin siya? At kung malaman man niya na hindi ko ginawa ‘yon ay paniguradong siya na mismo ang papatay kay Gimel.” “Hindi magagawa ‘yon ni Helios dahil sa sumpa sa kaniya ni Mahalia—“ “Ngunit papaano kung iutos niya ito sa iba maginoo?” pakli ni Ebraheem. “Kaya kailangan natin siyang protektahan Ebraheem at turuan kung paano niya magagamit ang taglay niyang kapangyarihan para maprotektahan niya rin ang sarili niya.” —CEBU “Binibining Afiya maawa ka sa akin. Ibalik mo na ako sa dati kong anyo binibini—“ “Hinding-hindi ko iyon gagawin Tunku hangga’t hindi mo sinasabi sa akin kung saan idinala nila Helios si Gimel.” “Hindi ko nga alam—“ “Alam mo naman Tunku na hindi ako tanga para matandaan na kayong mga Kibaan ay nagtataglay ng mahika na maaaring makapagdadala sa inyo sa lugar kung saan man naroon ang isang mortal na nabigyan niyo na ng regalo,” pakli ni Afiya na hindi nga iniaalis ang tingin sa mga mata ng Kibaan. “Mananatili kang isang likido hangga’t hindi mo sinasabi sa akin kung saan naroon si Gimel. “S—seryoso ka ba Binibining Afiya?“ “Magbibilang akong tatlo at kung hindi mo pa sasabihin ay hindi lang ikaw ang magiging likido kundi maging ang iba mong mga kalahi,” sambit muli ni Afiya dahilan upang manlaki ang mga mata ni Tunku. “Dalawa, tatlo—“ “Sa Fotia!” “Sa Fotia? Hawak ngayon nila Ebraheem si Gimel?” kunot-noo ngang tanong ni Afiya na siyang ibinalik na nga si Tunku sa kaniyang tunay na anyo. “Oo Binibining Afiya, hawak nga siya ngayon nila Ginoong Ebraheem at ng iba pang mga bampira,” sagot ni Tunku na siyang napaayos nga ng kaniyang damit at buhok. “Ipunta mo ako ngayon sa Fotia Tunku,” saad ni Afiya na siyang madalian ngang hinawakan ang pulso ni Tunku. “Ano? Ako rin ang magpupunta sa’yo roon? Kailangan ko pa ba talagang sumama Binibining Afiya—“ “Tunku, ngayon din,” mariing sambit ni Aifya na siya ngang pinandilatan si Tunku. Dahilan upang mapalunok ang Kibaan at buntong-hininga ngang ipinikit ang kaniyang mga mata. —FOTIA “Ebraheem, nandito ang Amatista ng Nero at nagpupumilit ngang pumasok kasama ang Kibaan.” Unti-unti ngang ibinaba ni Ebraheem ang hawak nitong baso na naglalaman ng sariwang dugo ng manok. “’Yon talagang kibaan na ‘yon ay kailanman hindi marunong itikom ang kaniyang bibig,” ani nito na siyang marahan ngang pinunasan ang bibig at tumayo na nga at sinundan si Omer. “Papasukin niyo ako rito kung ayaw niyong—“ “Ayaw niyong ano Afiya?” “Ebraheem,” sambitla ni Afiya na siyang napabuntong hininga nga at tinignan ng diretso si Ebraheem sa mata. “Ebraheem, ibigay mo sa akin si Gimel.” “Paano ko naman ibibigay sa’yo ang taong halos isang oras ng wala?” “A—anong ibig mong sabihin Ebraheem?” Unti-unti ngang umiwas ng tingin ang binata at kasunod ng kaniyang pagbuntong hininga. “Masyado ka ng huli Afiya. I have already killed him.” “If you are really telling me the truth ay alisin mo ang suot mong kuwintas at hayaan mong pumasok ako sa isipan mo,” ani ni Afiya na siyang dahilan upang matigilan ng husto si Ebraheem na kalaunan ay bumuntong hininga at tuluyang ngumisi. “Okay, you got me.” “Papasukin niyo na sila.” _________________________ “Bakit hindi mo pa siya pinatay Ebraheem?” unti-unting tanong ni Afiya matapos makita si Gimel na kasalukuyang nasa isa sa mga selda ng Fotia habang wala itong malay at nakatali ang mga kamay at paa sa isang upuan. “I have tried Afiya”—ani ni Ebraheem na siyang unti-unting natigilan at kunot-noong tinignan ang dalaga—“pero ikaw Afiya, may I ask you the same question?” “Bakit hindi mo pa siya pinatay gayong nauna ka kaysa sa amin ni Helios na makita ang huling babaylan?” Unti-unting natigilan ang dalaga na siya ngang agad na iniiwas ang kaniyang tingin. “O bakit natahimik ka ata?” nakangising tanong ni Ebraheem sa kaniya. “Hindi ko pa kumpirmado noong mga oras na ‘yon na siya nga si Shakir,” ani ni Afiya na dahilan upang unti-unting ngumisi at tumango si Ebraheem. “Pero ngayong alam mo na, na siya nga si Shakir—can you kill him now?” “Afiya?” Buntong hininga ngang tumango si Afiya bilang sagot dito. “Kung hindi mo siya kinayang patayin ay ibahin mo ako Ebraheem. Ibigay mo sa akin babaylan at ako mismo ang papatay sa kaniya.” “Really?” nakangising katanungan ni Ebraheem na siyang ibinaling ang tingin kay Gimel. “Bakit ko siya ibibigay sa’yo kung mas madaling dito mo nalang siya patayin ngayon?” _________________________ “Ano na Afiya? Marami kaming nag-aantay rito oh. Baka gusto mong imbitahan din natin maski ang mga ravena, sirena, at ang iba pang mga taga-Fotia?” sunod-sunod na sarkastikong tanong ni Ebraheem habang kasama nga ngayon ang ibang mga bampira at si Tunku na pinapanuod ang paglapit ni Afiya kay Gimel na kasalukuyang nasa loob ng selda. “Ebraheem sigurado ka ba talagang ipapapatay mo kay Afiya si Gimel? Paano kung gawin nga niya yaon? Hindi lang si Gimel ang mamamatay Ebraheem kundi maski tayo,” ani ngayon ni Omer. “Omer huwag kang mag-alala, kilala ko si Afiya, hinding-hindi niya—“ Tuluyan ngang natigilan si Ebraheem nang isang napakalakas na asul na ilaw ang siyang lumabas mula sa selda dahilan upang masilaw silang lahat at mapatakip agad ng kanilang mga mata. “Ebraheem mukhang nagkakamali ka sa iyong akala!” ani ni Omer habang takip-takip ang kaniyang mata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD