—FOTIA
“Afiya—“
“Ebraheem, wala na ang amatista kasama si Shakir at ang Kibaan,” ani ni Rio na dahilan upang unti-unting manlaki ang mga mata ni Ebraheem na kalaunan ngay unti-unting namula ang mga mata nito nang dahil sa galit kasabay ng sunod-sunod na pagbato niya ng apoy sa paligid dahilan upang agad-agad na mapaiwas ang mga kasama niyang mga bampira.
“Hanapin niyo sila ngayon din!” bulalas nito na siyang umalingawngaw sa buong paligid kasabay ng sunod-sunod na pagkawala ng mga alagad nito upang sundin nga agad ang ipinag-uutos ni Ebraheem.
“Dapat kasi—“
“Kasing ano Rio?! Sinisisi mo ba ako ha?” sunod-sunod na bulalas ni Ebraheem na siyang diretso ngang tinignan si Rio.
“H—hindi naman sa ganon Ebraheem pero dapat mas nag-ingat tayo kanina.”
“So sinasabi mo ngang kasalanan ko!” sigaw ni Ebraheem kasabay ng mabilisan niyang paglapit sa harapan ni Rio at ang madaliang paghawak niya sa mukha nito.
Isang malakas ngang sigaw ang umalingawngaw sa buong paligid matapos unti-unting masunog ang mukha ng bampira na kalaunan ay tuluyan na ngang naging abo ang buong katawan.
“Omer!” sigaw ni Ebraheem dahilan upang agad na pumaroon si Omer sa harapan niya wala pang isang segundo.
“Sabihan mo ang ibang mga taga-Fotia na hanapin nila ang Amatista ng Nero kasama si Shakir at ang traydor na Kibaan na ‘yon.”
Marahang tumango si Omer. “Masusunod Ebraheem.”
—BUNDOK MAKILING
“Naku naman, natitiyak kong lagot ako nito kay Ebraheem,” ani ni Tunku na kasalukuyang palakad-lakad pabalik habang ngayon ay kasalukuyang ginagamot ni Afiya ang mga sugat ni Gimel.
“Binibining Afiya, bakit mo pa ba kasi itinakas si Gimel? Bakit hindi mo nalang ginawa ang pagpatay gayong nasa plano mo rin naman yaon hindi ba?”
“Tunku gayon nalang ba kawalang kwenta sa’yo ang pinagsamahan niyo ni Gimel? Hindi ba naging kaibigan mo siya sa maikling panahon? O parte lamang iyon ng plano mo at ang tunay nga talagang hangarin mo una palang ay ang isumpong siya kay Helios?”
Unti-unti ngang natigilan ang Kibaan at ibinaling nga ang tingin sa walang malay na si Gimel pero kalaunan napabuntong hininga nga ito at napailing.
“Binibining Afiya, hindi naman ako ganoon kasama—noong una ay wala akong kaalam-alam na si Shakir hanggang sa nangyari y—yong sa gubat.”
“Kung gayon ay bakit parang madali lang sa’yo na traydurin siya gayong alam kong naging mabuti siyang kaibigan sa’yo base sa mga nabasa ko sa isipan mo?”
“I—ikaw binibini, bakit nagbago ang isip mo gayong ang sabi mo sa akin kanina ay pareho lang kayo ng intensyon ng ibang mga amatista? Na ang sabi mo ay—“
“T—tunku? Afiya?”
Naputol ngang tuluyan ang usapan ng dalawa na siyang kapwang nilapitan si Gimel na ngayon ay unti-unti nang nagkamalay at unti-unting umupo mula sa pagkakahiga.
“Iyong mga halimaw—“
“Ligtas ka na Gimel, malayo na tayo mula kila Ebraheem,” ani ni Afiya na siyang dahilan nga upang kumalma’t mapabuntong hininga ngayon ang binata.
“T—tunku, mabuti at nandito ka,” nakangiting ani ni Gimel dahilan upang matuon sa kaniya ang atensyon ng Kibaan na kanina ngay nag-aalangang tignan ang binata. “Akala ko pati ikaw ay mawawala. Mabuti at ligtas ka Tunku.”
Unti-unti ngang natigilan ang Kibaan na sa hindi malamang dahilan ay unti-unti ngang tumulo ang ginintuang luha mula sa kaniyang mga mata dahilan upang agad siyang mapatalikod at punasan ang mga ito.
“Tunku, umiiyak ka ba?” kunot-noong tanong ni Gimel na dahilan nga upang madalian siyang harapin nito matapos punasan ang kaniyang mga luha.
“H—hindi—sadyang masaya lamang ako kaibigan na ikaw ay buhay at gising na.”
Marahan ngang tumango si Gimel na kalaunan ay ibinaling ang tingin kay Afiya.
“Afiya, maraming salamat sa pagligtas mong muli sa akin,” nakangiting ani ni Gimel dahilan upang unti-unting ngumiti si Afiya at tanguan ang binata.
“Gimel, naaalala mo pa ba kung anong nangyari sa’yo o ginawa sa’yo ng mga bampira?” tanong ngayon ni Afiya na siyang dahilan upang unti-unting matigilan ngayon si Gimel na kalaunan ay marahan ngang tumango bilang pagtugon.
“Hindi ko maintindihan kung anong mga nangyayari. Ang tanging alam ko ay sinubukan nila akong patayin—hindi, pinatay nila ako. I am sure with that dahil naramdaman kong namatay ako ng ilang segundo at parang mahikang bumalik ang pagtibok ng puso ko,” tulalang sagot ni Gimel dahilan upang magtinginan ngayon si Tunku at Afiya.
_________________________
“Hindi ko maintindihan Binibining Afiya, hindi ba ay isa lamang babaylan si Gimel at hindi naman siya imortal kagaya natin?”
“Hindi lamang anak ng isang babaylan si Gimel bagkus ay anak din siya ng isang tagapangalaga ibig sabihin ay isa rin si Gimel sa mga Setengah Dewa.”
Setengah Dewa- ang tawag sa mga anak ng mga tagapangalaga mula sa mga mortal.
“Si Mahalia ang isa sa mga Setangah Dewa at sa pagkakaalam ko ay tiyaka lamang naging ganap na imortal si Mahalia ay noong pinatay siya ng sarili niyang ama.”
“Ibig mo bang sabihin binibini ay isa na ring imortal si Gimel?”
“Oo Tunku ngunit kahit ba ganoon ay hindi ko pa rin maintindihan—“
Unti-unti ngang natigilan si Afiya na siyang kunot-noong tinignan si Tunku.
“Maintidihan ang alin binibini?”
“Bakit ko ba sinasabi sa’yo ang mga bagay na ‘yan gayong hindi ka naman katiwa-tiwala at baka mamaya ay pati ako linlangin at traydurin mo,” ani ni Afiya na siyang dahilan upang matigilan ang Kibaan.
“Didiretsahin na kita Tunku, hindi kita pinagkakatiwalaan at sa oras na isahan mo na naman ako at ipagkanulo si Gimel sa mga ravena o sa mga taga-Fotia ay hindi na ako magdadalawang isip Tunku na patayin ka.”
“P—patayin? Agad-agad binibini?” nanlalaki ngang mga matang tanong ni Tunku.
“Tunku kilala ko kayong mga Kibaan, nasa mga bampira ang katapatan niyo dahil sila ang itinuturing niyong taga-protekta ng buong Fotia.”
“Binibini, noong oras na sinabi ko sa’yo kung saan naroon si Gimel at noong itinakas ko kayo mula sa Fotia ay tuluyan nang nabuwag ang katapatang iyon. Panigurado ngang pinaghahanap na ako ngayon nila Ebraheem at sa oras na mahanap ako ay hindi iyon magdadalawang isip na patayin ako,” pangangatwiran ni Tunku dahilan upang marahang bumuntong ng hininga si Afiya.
“Ngayon ay nais ko na lamang din protektahan si Gimel sapagkat siya lamang ang kaisa-isang kaibigan na nagbigay importansya sa akin,” patuloy ng Kibaan dahilan upang tignan siya ngayon ni Afiya.
“Ikaw Binibining Afiya, bakit mo ito ginagawa? Bakit nais mo ring protektahan ang babaylan?”
“Tulad mo ay kaibigan na rin ang turing ko kay Gimel at sa abot ng makakaya ko ay susubukan ko siyang protektahan.”
“Kahit pa na kapalit non ay ang paglabag mo sa misyon na ibinigay sa inyo ni Bathala?”
Unti-unti ngang natigilan ngayon si Afiya na kalaunan ay buntong hininga ngang tinanguan si Tunku.
Makalipas ang dalawang araw…
“Ano itong mga ‘to?” kunot-noong tanong ni Gimel nang ibagsak ni Afiya ang halos limang makakapal na lumang libro sa mesang pinagkakainan ngayon nila Tunku at Gimel.
Ibinaba ngang tuluyan ni Gimel ang hawak na kutsara at marahan ngang ibinuklat ang isang libro.
“Ilan sa mga librong ginawa ng mga huling henerasyon ng babaylan,” sagot ni Afiya na siyang dahan-dahan ngang bumuntong ng hininga upang habulin ang kaniyang hininga.
“Saan mo naman kinuha ito at bakit parang nanggaling ka sa marathon?” nakangising tanong ni Gimel nang mapansing tila pagod na pagod nga si Afiya ngayon at pilit ngang hinahabol ang kaniyang hininga.
“Nais kong aralin mo ang lahat-lahat ng ‘yan Gimel,” sagot ni Afiya.
“Matagal ng nagkawalaan ang mga librong ito ha, paano mo nahanap ang mga ito Binibining Afiya?” manghang-mangha ngang tanong ni Tunku na siyang nagbuklat na rin ng isang libro.
“T—teka, huwag mong sabihin na kaya parang tila pagod na pagod ka ngayon binibini at halos dalawang araw kang nawala ay dahil hinanap mo isa-isa ang mga librong ito?”
“Hindi na importante ‘yon Tunku—ang importante ay dapat matutunan mo na Gimel kung paano gamitin ang mga engkantasyon na iyan,” baling ni Afiya kay Gimel dahilan upang kunutan siya ngayon ng noo ni Gimel.
“B—bakit ko naman aaralin ito?”
“Dahil isa kang babaylan Gimel at ikaw lamang ang may kakayahang gumamit ng mga mahikang ito,” sagot ni Tunku.
“Isa akong ano?”
“Isa kang babaylan Gimel,” sagot ni Afiya na siyang dahilan upang mas kunutan siya ng noo nito. “At isa ka ring Setengah Dewa.
“S—setanga ano?”
“Setangah Dewa, yaon ang tawag namin sa mga anak ng mga tagapangalaga mula sa mga mortal. Ikaw ay anak ng isa sa mga pinakamalakas na babaylan na si Alec at ng tagapangalaga naman ng pag-ibig na si Mapolan.
“A—alec at Mapolan? Kilala niyo kung sino ang mga tunay kong mga magulang?”
Marahan ngang tumango si Afiya bilang sagot na siyang ngayon ngay nagpalabas ng tubig mula sa kaniyang kamay kasunod ng pagbuo niya ng larawan mula sa tubig na ito.
“S—sila? Sila ang mga magulang ko?” nanlalaking mga matang tanong ni Gimel.
“Bakit Gimel?” kunot-noong tanong ni Afiya nang makitang tila gulat na gulat ang binata.
“Lagi ko silang nakikita sa mga panaginip ko. Laging nagtatawanan at lagi akong pinupunta sa tila paraisong lugar.”
Unti-unting ngumiti si Gimel na marahan nga ngayong hinawakan ang nabuong larawan mula sa tubig.
“N—nasaan sila ngayon? Maaari ko ba silang makita ng personal?” sunod-sunod na tanong nito kay Afiya dahilan upang matigilan si Afiya at ilang segundo ngang nag-alangang sagutin ang mga katanungan ni Gimel.
“W—wala na sila Gimel. Halos limang daang taon mahigit na rin ang nakakalipas simula nang mamatay ang tagapangalaga ng pag-ibig at ang mga babaylan kasama si Alec.”
Unti-unti ngang nawala ang mga ngiti sa labi ng binata na kalaunan ay ibinaling nga niyang muli ang tingin sa larawan ng kaniyang mga magulang.
“S—sinong pumatay sa kanila? Ang mga bampira rin ba kaya ngayon ay nais din nila akong patayin?” sunod-sunod na tanong ni Gimel dahilan upang matigilang husto si Afiya at Tunku.
“Magbabayad sila sa ginawa nila dahil ako mismo ang maghihiganti sa mga pumatay sa kanila.”
“Gimel—“
“Nais kong turuan mo akong makipaglaban Afiya at nais ko rin na matutunang lahat ang mga engkantasyon na ito.”