MILES Nandito ako sa bahay namin at kumakain ng tanghalian. Hanggang ngayon hindi pa rin maalis sa isip ko ang nangyari kagabi at kaninang umaga. Nalasing ako kaya hindi masyadong malinaw sa 'kin ang nangyari pagkatapos kong kumanta at bumagsak. Pero isa ang ang sigurado ko. Si Nate ang sumalo sa 'kin at kasama ko buong gabi. Siya rin ang naghatid sa 'kin pauwi at alam ko, may mga sinabi ako sa kanya habang nasa biyahe kami. Alam ko rin na inihatid niya ako hanggang kuwarto ko. At sa pagkakatanda ko rin, sinabi ko nga sa kanyang matulog siya sa tabi ko. Panay pa nga ang tanggi niya lalo na nang pinapalapit ko siya sa 'kin. As if namang re-r**e-in ko siya? Asa siya! Tsk. Dahil nag-iinarte pa siya, hinila ko siya. At dahil napalakas iyon, napahiga ako sa kama habang siya ay nasa ibabaw

