NATHAN "Nate, come here. Sleep with me..." she said with her seductive voice. Napalunok ako at hindi makagalaw sa kinatatayuan ko. Nag-iinit, pero pinagpapawisan din ako nang malamig. Seriously? Inaakit niya ako? At ako namang si nagmamahal, nagpapaakit sa kanya. Tsk! 'Wag na 'wag talaga siyang lalapit sa 'kin. Baka mawala talaga ang self-control ko. Nang makita niyang hindi ako kumilos, umupo siya at muling inilahad ang dalawang kamay. "Nate, lapit ka sa 'kin..." "A-ayoko," nauutal na sambit ko. Naman! Hindi niya ba nakikitang nahihirapan ako sa pang-aakit niya? Konti na lang talaga at bibigay na ako. Habang nagtatalo pa ang katinuan at kamanyakan-este ang naaakit na bahagi ng pagkatao ko, nagulat na lang ako nang bigla niya akong hilahin papunta sa kanya. At dahil sa lakas ng pag

