UMIHIP ang malakas na simoy ng hangin. Pumikit si Ciara upang damhin ito kasabay nang pagsilay ng malapad na ngiti sa mga labi niya. Muli siyang dumilat at dumiretso ng tingin. Saka niya natanaw ang flowershop sa hindi kalayuan. Nakangiti niyang ipinagpatuloy ang pagpe-pedal hanggang sa tuluya niyang marating ang flowershop gamit ang bisikleta niya. Nakangiti siyang bumaba ng bisikleta niya at pumasok sa loob ng shop. Agad naman siyang binati ng nag-iisang assistant niya, si Cherry. "Here's your order! One grande mango shake, and one mango pie!" Nakangiti pa nitong inilapag sa ibabaw ng mesa niya ang mga pagkain bago kumuha ng upuan at pumuwesto sa kaniyang tabi. "Hindi ka ba nagsasawa sa mango? Lahat ng kinakain mo, may mangga!" Napangiti siya sa sinabi ng dalaga bago umiiling na binuk