TULALA siya habang nakatanaw sa malalaking letra sa labas ng silid kung saan pinasok si Linus—ang emergency room. Walang tigil sa pagbuhos ang mga luha sa pisngi niya. Nanginginig ang buong katawan niya at puno ng pulang mantsa ang damit niya. Kanina nang makita ito sa gitna ng daanan, halos panawan siya ng ulirat sa takot. Ni hindi na niya alam kung paano sila nakarating sa ospital. Nilamon siya ng pangamba sa isiping baka mamatay ang lalaki sa sandaling iyon. Naalala niya ang kuwento ni Abeng kung paano namatay si Angela, ang ina ng lalaki. Parehong-pareho ang nangyari sa dalawa. Natatakot siyang katulad ng ina nito, iyon din ang maging dahilan ng pagkamatay ni Linus. Bumaba ang paningin niya sa hawak na folder at sling bag. Katulad ng mga kamay at ibang parte ng damit niya, puno rin n