ISANG malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni Ciara matapos ayusin ang lahat ng kaniyang gamit. Tahimik niyang inilibot ang tingin sa loob ng kuwarto na naging silid na niya simula pagkabata niya. Hindi niya naisip na lilisanin niya ang mansiyon sa ganoong paraan. Kung alam lang niya na hahantong sa ganoon ang lahat, sana, iniwas na niya ang sarili kay Linus at nakinig sa payo ng lolo niya. Narinig niya ang mahihinang katok sa pinto ng silid niya. Nilingon niya iyon nang marinig ang pagbukas nito. Bumungad sa kaniya ang babaeng si Abeng. May malungkot na ngiti ang mga labi nito. "Señorita, sigurado ka na ba sa gagawin mo? Ibinalik na ni Linus ang lahat sa inyo. Hindi mo na kailangan gawin ito." Naluluha siyang nilapitan ng babae. Bahagya niyang pinalis ang tumakas na luha sa pisn