Chapter Forty-three |2|

1310 Words

Binigyan niya ito nang maliit na ngiti bago pinaunlakan ang gusto nito. Umupo siya sa upuang katapat ng babae. "According to Mister Francisco, you wanted to talk to me," panimula niya. Nakangiting tumango ang babae. "Ikaw naman. Magkumustahan muna tayo. How are you? It's been years! Ilang taon na nga ba?" "Four years." Huminga siya nang malalim sa nakikitang ngiti at sigla sa mga mata nito. Ang huling beses na magkita sila, halos patayin na siya ng babae sa sobrang galit. Pero ngayon, matapos nang ilang taon, tila ibang tao na rin ito. Mabilis na tumango si Kaname. "Ang tagal na pala, ano? Hindi ko napansin ang panahon. Ganito nga siguro kung busy ka, hindi mo na mapapansin ang paglipas ng taon." Bahagya pa itong ngumiti bago humigop ng kape. Bumaba ang tingin niya sa kasuotan nito

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD