Siya naman ay matuling umakyat sa hagdan at agad na nagtungo sa sariling kuwarto. Halos isang oras din siyang nagbabad sa ilalim ng shower bago muling lumabas suot ang kaniyang puting bathrobe. Lumapit siya sa malaki at medyo may kalumaan nang aparador na nasa tabi ng malaki at nakabukas na bintana ng kaniyang silid. Binuksan niya ang aparador at kinuha niya mula sa loob ang damit na pinakagusto niyang sinusuot. Isang kulay puting maxi dress na hanggang paanan niya ang haba. Simple ito sa paningin ngunit kayang palabasin ang angking ganda at alindog ng sinumang babaeng magsusuot nito. Isinuot niya iyon at naglagay ng kaunting makeup sa mukha. Itinali naman niya ang kaniyang buhok sa isang socialite ponytail style. Alas-nuebe y medya na ng umaga nang marinig niya ang ilang katok sa pinto