NAKATULALA sa harap ng salamin na tila wala sa sarili. Ito ang hitsura ni Ciara simula kagabi maging hanggang sa mga oras na iyon. Matapos ng aksidenteng paglalapat ng mga labi nila ni Linus ay hindi na niya nagawa pang lumabas ng silid niya, ni hindi niya magawang alisin ang mga daliri na nakahawak sa mga labi habang iniisip ang lalaki. Nahihiya siyang harapin si Linus dahil ayaw mawala sa isip niya ang malalambot nitong mga labi, lalo na ang kusang pagpikit niya ng mga mata habang hinihintay ang pagdantay ng mga labi nito sa kaniya. "Nakakahiya!" mariin niyang bulong sa sarili at ipinikit nang mariin ang mga mata. Mula sa pagkakaupo sa harap ng vanity mirror niya, tumayo siya at lumapit sa aparador upang pumili ng maisusuot. Balak niyang puntahan ang mga manggagawa sa bahay ng mga it