TAHIMIK na nakaupo si Linus sa harap ng hapagkainan nang pumasok sa loob ng dining room si Ciara. Hindi sana niya papansinin ang babae, ngunit nang makita itong nakasuot ng panlakad ay hindi na niya napigilan ang sarili na balingan ito ng tingin. Pinasadahan niya ng tingin ang asawa mula ulo hanggang paa; naka-black dress ito na hanggang hita lamang ang taas at labas na labas ang mapuputing mga braso at bahaging dibdib. "May pupuntahan ka?" Mula sa iniinom na mango juice ay nabaling sa kaniya ang atensiyon nito. Awtomatikong tumaas ang isa nitong kilay. "Yes, pupunta ako ng bangko." Umiirap nitong binaling ang tingin sa babaeng si Luisita na nasa dulong bahagi ng mesa, at saka nakangiti itong tinawag. "Huwag mong kalilimutan ang mga pagkain na dadalhin sa hospital, huh? Dadaan ako ro