KAGAT ang ibabang labi, tumikhim si Ciara upang makuha ang atensiyon ni Linus at ng babaeng si Kaname, ngunit sa halip na mangyari iyon, nakita niya ang pagsilay ng ngiti sa mga labi ng lalaki habang nakatitig pa rin sa kababata niya. Para bang may sariling mundo ang dalawa. Naikuyom niya ang mga kamay bago muling tumikhim—mas nilakasan pa niya sa pagkakataong iyon. Nagtagumpay naman siya sa gustong gawin dahil napalingon sa kaniya ang dalawa. Agad niyang inayos ang mukha at pilit na ngumiti sa mga ito, particular na kay Kaname. Binawi ni Kaname ang kamay nitong hawak ni Linus at tila nahihiyang ngumiti sa kaniya. "Señorita Ciara, nandiyan pala kayo," lumapad ang ngiti sa mga labi nito nang sabihin iyon. Nakangiti ito pero halos arkuhan niya ito ng kilay dahil sa inis. 'Nandiyan pala?