"It's fine, Linus. I know I would never be able to replace her," bulong niya na tanging ito ang makaririnig. Sa puntong iyon, hindi na magawang makapag-isip nang tuwid ni Linus. Nalilito ito at kinakabahan sa mga susunod na mangyayari. Ayaw nitong umasa pero inaamin nitong tahimik na pinagdadasal ng sariling puso ang bagay na iyon. Nahulog sa pulang carpet ang hawak niyang flower bouquet, at pagkatapos ay umangat ang isang kamay niya sa gilid ng ulo ng lalaki. "Sa isip mo man... " Mula sa gilid ng ulo nito ay bumaba ang kamay niya sa tapat ng dibdib ng lalaki. "...O sa puso mo, hinding-hindi ko mapapalitan si Ciara." Lumamlam ang mga mata ng lalaki. Tuluyang umagos ang isang luha sa pisngi nito. "I'm sorry... " Muli siyang tumango habang nakangiti at lumuluha. "I saw her outside. Si