LULAN ng bridal car, nakangiting nilanghap ni Kaname ang bouquet na hawak niya bago pumikit. Sobrang saya niya at triple ang bilis ng t***k ng puso niya kaya hindi tuloy niya mapigilan ang hindi kabahan. Pakiramdam niya, tatalon na palabas ng kaniyang dibdib ang puso niya. Matagal niyang hinintay ang pagkakataong iyon—ang maikasal sa lalaking pinakamamahal niya—si Argento. Ngayon na matutupad na iyon, halos hindi siya makapaniwala. Parang panaginip lang ang lahat. At kung sakali nga na panaginip iyon, hiling niya na sana ay hindi na siya magising pa. Nagmulat siya ng tingin at tinanaw ang daanang tinatahak nila. Isang liko na lamang sa kanan, mararating na nila ang simbahan. Hindi sinasadyang napatingin siya sa lilim ng malaking puno sa kaliwa. Tanaw niya ang isang pamilyar na babae. K