Chapter Forty-one |3|

1177 Words

May ilang segundo nitong pinakatitigan ang mga pulang rosas. Makalipas ang ilang sandali, humugot ito ng hangin at tuluyang tinanggap ang mga iyon. Sumilay ang maliit na ngiti sa mga labi niya. Sa mga oras na iyon habang pinagmamasdan niya ang mukha ng asawa, hindi niya mapigilan ang hindi hilingin na sana nagkakilala na lang sila ng babae sa ibang paraan. Sana nakilala niya ito sa ibang katauhan. Dahil kahit paulit-ulit na magbago ang mukha at pangalan niya, ang puso niya ay mananatiling titibok para kay Ciara. "I'm sorry." Ilang ulit siyang lumunok nang mariin. Naninikip ang dibdib niya habang pinagmamasdan ito. Natatakot siyang iyon na ang maging huling pagkikita nila, pero magagawa pa ba siyang patawarin ng babae matapos ng mga sasabihin niya rito ngayon? Sa tingin niya ay hindi na.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD