NABABAHALANG tinitigan ni Ciara ang matandang don habang inaalalayan itong mahiga ng lalaking si Mando. "Lolo, please, pumayag ka nang dalhin ka namin sa ospital," halos magmakaawa niyang pakiusap. Kahit na nalulukot na ang mukha ng matanda dahil sa hirap na nararamdaman, naging matigas pa rin ito at mariing umiling sa pagmamakaawa niya. "My granddaughter, don't worry, I'm fine," pagdidiin nito at isinandal ang ulo sa headboard ng kama. "Sumama lang ang pakiramdam ko dahil sa oportunistang iyon! Ang kapal ng pagmumukha." Kitang-kita ang galit ng matanda para sa binatang si Linus Gallardo. Masama na ang pakiramdam nito pero nananaig pa rin ang galit sa tinig at mukha. Bumuntong-hininga na lamang siya. Nang makapasok sa loob ng kuwarto ang babaeng si Abeng ay nakita niyang dala na nito