"ARGENTO, umuwi ka na ngayon din!" Makikita ang malalalim na gitla sa kaniyang noo dahil sa narinig sa kabilang linya. Kasalukuyan siyang naglalakad sa gitna ng madilim na daan tangan ang maliit niyang bag kung saan naroon ang mga damit niya. Alas-onse na ng gabi at bahagyang masama ang panahon. Hinihintay niya ang pagdating ng bus na bibiyahe patungong Maynila. "Argento, ang inay mo... a-ang inay mo!" Mabilis na nanlaki ang mga mata niya sa narinig. Napansin niya ang panginginig ng boses ng nasa kabilang linya tanda ng pag-iyak. "Mang Rene, bakit? Ano ang nangyari kay inay?" "Nandito kami sa ospital, Argento! Bilisan mo! Pumunta ka na rito!" Nilingon niya ang daang tinahak papunta sa kung nasaan siya. Mabilis niya iyong tinakbo upang makabalik sa Hacienda Lancheta. Sa kamalas-malas