Chapter Seven

1174 Words

LARAWAN ng pagtataka ang buong mukha ng mga taong nakarinig sa sinabi ng lalaking si Linus, lalong-lalo na ang matandang don. Makalipas ang ilang sandali ay napalitan ng galit ang gulat na mababakas sa pagmumukha nito. "Gusto kong pakasalan si Señorita Ciara," dagdag pa niya na mas lalong nagpakulo sa dugo ng matanda. Kumuyom ang mga kamay nito at nagbagting ang mga ngipin. "Ano'ng pinagsasabi mo!" Bahagya siyang natawa at umiling. "Ang inyong apo, Don Corne. Kailangan niyang magpakasal sa akin." Nanginig ang kamay ng matandang don. Muling itong napahawak sa tapat ng dibdib nang mahirapan muling huminga. Mabilis naman itong hinawakan ni Ciara upang alalayan. Maski ang dalawa nitong katulong na sina Abeng at Mando ay agad na lumapit sa don sa pag-aakalang muli itong aatakihin sa puso.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD