Muli siyang pumikit at nahilot ang sariling sintido. "Hindi ko na alam, Aling Abeng. Basta hindi ko hahayaang mapaalis tayo rito." "Ano ba ang mas mahalaga sa iyo, Señorita Ciara? Ang hindi tayo mapaalis dito, o... ang hindi ka makasal kay Linus Gallardo?" Muli siyang natigilan nang marining ang tanong ng babae. Mataman niya itong tinitigan habang iniisip ang magiging sagot. Oo nga at mahalaga sa kaniya ang mansiyon at ang lolo niya, pero ayaw naman niyang maikasal sa lalaking iyon. "Sa tingin ko, señorita, si Linus Gallardo na lang ang makakatulong sa atin." Matagal mang nanahimik, mariin siyang umiling sa sinabi ng babae. "Hindi! Hindi ako pakakasal sa kaniya. Hindi ako papayag na magkaroon kami ng koneksiyon. Ayaw kong manghusga, pero hindi ko matatanggap na makasal sa lalaking gano