Chapter Eight |3|

1042 Words

Nataranta siya at hindi malaman ang gagawin. Tila siya tinuklaw ng ahas na bigla na lamang nanigas. Nang makita ang isang lalaking paakyat na sa hagdan, akmang tatakbo siya pabalik sa kuwarto ngunit agad ring natigilan nang muling sumigaw ang lalaki. "Subukan mong tumakbo at sasabog iyang bungo mo!" Mariin siyang napapikit nang lapitan siya nito. Malaki ang pangangatawan nito kaya nakadagdag lamang iyon sa kaniyang takot. May bigoti ito sa mukha at mahaba ang buhok. Mariin siya nitong hinawakan sa braso at marahas na kinaladkad pababa ng hagdan. "Bitiwan mo ako! Ano ba? Bitiwan mo ako! Sino ba kayo!" Pilit siyang kumakawala mula sa mahigpit na pagkakahawak ng lalaki. Nang makababa sila ng hagdan ay malakas siya nitong tinulak dahilan ng pagbagsak niya sa sahig. "Señorita Ciara!" buon

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD