PALIHIM na umirap ang dalagang si Kaname matapos marinig ang sinabi ni Elton. Nasa tagong parte ng asiyenda kung saan malaya nilang nakikita sina Linus at Ciara habang magkayakap at sumasayaw nang mabagal. "Sana maintindihan mo ang nais kong sabihin," malumanay na wika ng lalaki. Mataman itong nakatitig sa kaniya. Nahuli siya sa pagpunta sa nangyayaring kasiyahan kaya nang makitang magkasama sina Linus at Ciara kanina habang sobrang sweet ng dalawa, hindi na niya nagawang tumuloy sa paglapit sa mga ito. Sumakto pa na nakita siya ng sekretarya ng lalaki. Nagbuga siya ng hangin bago pinagkrus ang mga braso sa tapat ng dibdib. "Hindi mahal ni Ciara si Linus. Akala ko ba, nagmamalasakit kayo kay Linus? Bakit hinahayaan n'yo lang na magpakatanga siya sa babaeng iyon!" "Iha, mahal ni Linus s