Natanaw niya mula sa nakabukas na balkonahe ang pagdating ng isang magarang kotse. Pumasok iyon sa malaking gate at huminto sa mismong harap ng mansiyon. Nang makaakyat sa pangalawang palapag ang taong may-ari ng kotse, nakita niya ang isang babaeng sa palagay niya ay nasa apatnapu ang edad. May dala itong malaking itim na briefcase at nakasuot ito ng pencil cut skirt, white blouse at black blazer. Malapad na ngumiti si Linus nang makalapit ang babae. Sandali pa siyang natigilan nang makitang humalik ang bagong dating sa pisngi ni Linus. "Thank for coming, Andrea." "Anything for you." Umarko ang isa niyang kilay sa naging sagutan ng mga ito. Mukhang mahilig talaga ang lalaki sa mas matatanda rito. Umiirap siyang nag-iwas ng tingin. Lumapit ang dalawa sa mesang kinaroroonan niya at sa