Chapter Ten |2|

1294 Words

Sinalubong niya ang mga titig nitong tila tumatagos hanggang kaniyang kaluluwa. May ilang segundo silang nagsukatan ng tingin, pero nang sumilay ang isang ngiti sa mga labi nito ay napapalunok siyang umiwas. Gusto niyang sampalin ito ng cactus dahil sa inis. Ano ba kasi ang trip ng isang ito? "Oh, I see what you're doing." Muli niyang pinagkrus ang dalawang braso sa tapat ng dibdib nang may biglang maisip. "Kaya mo gustong malaman ni Lolo ang tungkol sa pagpapakasal ko sa iyo ay para mas lalo siyang galitin. Tama, hindi ba?" Lumapad ang ngiti sa mga labi ng lalaki. "Bakit ko naman gagawin iyon sa lolo ng babaeng pakakasalan ko?" May ilang segundo siyang natigilan sa narinig. Mataman itong nakatitig sa kaniya at hindi na naman niya mapigilan ang matulala sa mga mata nito. Sigurado siya

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD