MATAGAL nang nakatulala si Linus sa harap ng magandang tanawin sa balkonahe ng silid niya. Hawak ang baso ng alak sa isang kamay, tumalim ang mga mata niya nang marinig ang pagbukas at muling pagsarado ng pintuan ng kaniyang kuwarto. "Naipadala ko na ang bulaklak sa apo ni Don Corne." Nang hindi siya tumugon sa sinabi nito, lumapit si Elton at mataman siyang pinagmasdan. "Linus, may problema ka ba?" bakas ang pagtataka sa boses ng lalaki. Nagbuga siya ng hangin bago pinasok ang malayang kamay sa loob ng bulsa ng pantalon niya. "Puntahan mo at hanapin ang mga lalaking inutusang manggulo sa bahay ng mga Lancheta. Iharap mo sa akin ang nanakit kay Ciara." "Nanakit? Nasaktan ang apo ni Don Corne?" Mariin siyang pumikit bago nilapag sa ibabaw ng bilugan at babasaging coffee table ang baso