Mula sa mukha ni Linus, bumaba ang tingin niya sa sarili. Hindi siya nakahubad. Wala rin siyang maramdaman na kakaiba sa katawan niya, lalo na sa bandang ibaba. Ibig sabihin, natulog lamang sila sa iisang kama, pero hindi siya ginalaw nito. Hindi niya mapigilan ang pagsilay ng maliit na ngiti sa mga labi niya. Magaan ang pakiramdam niya dahil alam niyang nirerespeto siya ng lalaki. Bumuntong-hininga siya bago maingat na bumangon at ibinaling sa paligid ang paningin. Sinubukan niyang bumaba ng kama ngunit agad niyang naramdaman ang pagpulupot ng kamay ni Linus sa baywang niya. "Saan ka pupunta?" Malalim at namamaos ang tinig nito. Napalunok siya nang mariin bago nilingon ang asawa. "N-nauuhaw ako." Tumawa nang mahina si Linus at mabilis na bumangon saka nagnakaw ng isang halik sa kani