HINDI mapigilan ni Allen ang pagtataka nang makita niya ang bata sa kaniyang paahan. "Sino namang nanay ang nag-iwan ng anak niya rito?" tanong ni Allen sa kaniyang sarili. Tinignan niyang mabuti ang bata at napansin niya ang dalawang papel na nasa gilid nito. Sa pagtataka ay kinuha niya ito at mas lalo itong naguluhan nang makita ang pangalan niya at pangalan ng bata na nasa DNA result. Nagsimulang kumabog ang dibdib niya nang makita ang word na match sa dulong gilid ng papel. Anong ibig sabihin ng papel na 'yon? Pabalik-balik ang tingin niya sa papel na hawak niya at sa batang umiiyak sa may lapag. Nababalot na ang kaba sa kaniyang dibdib at hindi nas siya mapakali. Naiisip niya na ang dahilan kung bakit pero ayaw niya lang ipasok sa kaniyang utak ang katotohanan. Ang sunod naman na

