NAKATINGIN si Allen sa mga screen ng monitor sa kaniyang harapan. Hindi niya tinigilan ang paghahanap kung sinong tao ang nag-iwan ng bata nito sa kaniya. "Sir, wala naman pong pumunta ng floor niyo kanina," ani ng lalaki na nakaharap sa computer nito para tignan ang sinasabi ni Allen. "Look back again baka hindi lang nahagip ng mata mo. Hindi puwedeng walang pumunta sa floor na 'yon. Then, who else left this child in front of my unit?!" pagalit na sabi ni Allen. Kanina pa siya naiinis at mainit ang ulo. Hindi niya na alam kung anong gagawin sa bata na buhat niya ngayon. Puro iyak lang nagagawa ng bata simula pa kanina. "Sir, mukhang gutom na 'yong anak mo. Kanina pa siya umiiyak," singit naman ng lalaking matanda na kanina pa nagmamasid sa gilid sa ginagawa ni Allen. Hindi kasi nito pi

