LUMAPIT naman ang binata sa kaniya at binigay nito ang dalang bulaklak sa dalaga. "Hi, Ira," pagbati nito. Nakatingin lang si Ira sa rosas na dala ng binata, pero hindi niya ito kinuha. Walang nagawa ang lalaki at binaba niya ang kamay nang mapagtanto na walang balak kunin ito ni Ira. "Anong ginagawa mo rito? Hindi ka pa ba babalik sa ibang bansa?" walang emosyong tanong ni Ira sa kaniya. Napasimangot naman ang lalaki dahil iyon kaagad ang bumungad na tanong sa kaniya. Hindi na lang nagsalita ang binata at sinagot ito ng isa pang tanong. "Are you free? Dinner naman tayo," pagyaya nito. Napapikit naman si Ira saglit at nagtitimpi sa inis dahil mukhang balak pa siyang kulitin ng taong kaharap niya ngayon. "Lest---" Napatigil ito sa pagtawag sa pangalan ng lalaki nang maalala na hindi pal

