NAPATINGIN si Ira sa binata bago niya abutin ang kamay ni Fiona at nakipag-shake hands dito. Nang parehas bumitaw sa isa't isa. "L talked a lot about you. He told me that you are one of his models. I'm not surprised why L is crazy for you." "Fiona!" saway ni Liam sa tabi habang pinapakinggan ang kapatid niya. Samantalang tahimik lang na nakikinig si Ira. Hindi na siya nagulat dahil na-inform na rin naman siya kanina ni Liam bago sila makarating dito. "L, I thought you are prepared for this?" natatawang tanong ni Fiona. Napapailing na lang si Liam dahil kilala niya ang kaniyang kapatid. Kahit kailan ay hindi ito nagpatalo. Sanay na siya noong madalas din siyang magdala ng babae sa bahay nila. Pero iba si Ira Mae Velasquez sa mga babaeng naidala niya rito. "Don't start with me, Fi," sery

