NANG makauwi sa bahay ang pamilya ay sinundan ng tingin ni Ira si Allen nang agad itong umakyat ng hagdan hanggang sa makapasok sa kuwarto. Alam niya na kaagad ang dahilan ng pagpunta niya roon at napapailing na lang siya dahil alam niya naman sa sarili na hindi ito nagkulang ng paalala. "Manang Norma, pakilagay na lang po muna sa walker si Riley at painumin ng gatas. Pupuntahan ko lang po sa kuwarto si Allen," paki-usap niya sa matanda. Tumango lamang ito bilang sagot at kinuha na si Riley sa kaniyang stroller. Agad namang pumunta si Ira sa may kusina para kumuha ng gamot at isang basong tubig. Nakita niya rin ang thermometer doon kaya isinama niya na sa pagkuha at nilagay sa kaniyang bulsa. Nang matapos ay dumiretso na siya sa paakyat ng kanilang kuwarto. Pumasok ito ng dahan-dahan sa

