ILANG araw na ganoon ang ginagawa ni Ira sa tuwing darating si Aiselle para bisitahin si Riley. Wala rin naman siyang magawa dahil nakabantay lang din sa tabi nila si Allen. Wala siyang ibang puwedeng gawin kung hindi ang magmasid na lang mula sa malayo. Sa susunod na linggo nila sisimulan asikasuhin ang paghahanda para sa birthday ni Riley. Hindi pa sigurado ng dalaga kung sinabi na ba ni Allen kay Aiselle 'yong kanilang pinag-usapan dahil kahit papaano ay anak pa rin niya ito. Nagpresinta kasi ang binata na siya na ang magpapaliwanag sa dalaga. Hanggang ngayon naman ay hindi pa rin maalis sa isipan ni Ira 'yong mga gustong gawin ni Aiselle sa kanila. Wala pa namang sinasabi pa ang babae sa kanila tungkol sa bata at umaasa naman ang dalawa na hindi na gawin 'yong ng dalaga. Lalo na at

