PINUNASAN ni Ira ang luha sa magkabila niyang pisngi. Alam niyang walang tao ang puwedeng umalalay sa kaniya ngayon. Wala siyang ibang puwedeng takbuhan kung hindi ang sarili niya lang. Pakiramdam niya ay bagsak na bagsak na siya. Ngunit kung hahayaan niya ang sarili na unti-unting bumagsak ay walang mangyayari sa kaniyang maganda. She have to fight for herself because no one will do that unless it's her. Kasalukuyan niyang inaayos ang mga damit niya at inilalagay sa bag. Gusto niya munang pansamantalang umalis dito dahil alam niyang kapag kasama niya 'yong babae na 'yon ay hindi niya mapigilan ang sarili na hindi makapagsalita ng masakit at alam niyang mali 'yon. Bali-baliktarin man ang lahat ay nanay pa rin ni Riley 'yon at wala siyang karapatan sa bata sa kung ano ang gusto ng magulang

