ANIKA “Ma'am, okay ka lang ba?” tanong ni Martha sa akin matapos ilapag ang dala niyang tray sa ibabaw ng mesa. “Baka gusto mong magpatingin sa doktor. Kanina pa nag-aalala sa iyo si Sir Leo. Ang sabi ko sa kaniya, ginamot ko na ang mga sugat mo, kaya kumalma na siya, pero kanina pa siya paulit-ulit na nagtatanong sa akin kung kumusta na raw ang pakiramdam mo.” “Pabayaan mo siya,” naiinis na sagot ko. Inabot ko ang dala niyang baso at minabuting uminom agad dahil hanggang ngayon, mabilis pa rin ang pintig ng puso ko. Hindi na ako galit kay Leo dahil may dahilan naman siya para magtanim ng galit sa akin dahil totoong iniwan ko siya, kaya napahiya ang kaniyang pamilya. Pero hindi na rin buo ang tiwala ko sa kaniya. I can't trust the man na may questionable reason kung bakit niya ako p

