ANIKA Tahimik akong kumakain kasama si Mommy dito sa mesa. Tanging tunog ng kubyertos at kalansing nito ang ingay na naririnig mula sa amin dahil hindi na kami nag-usap ng aking ina. Pilit kong isinantabi ang kabang aking nararamdaman dahil hanggang ngayon, ramdam ko pa rin ang init ng mga mata ni Harold habang nakatingin siya sa akin. Alam kong naghihintay lamang siya ng pagkakataon para makalapit sa akin, pero hindi niya ito magawa dahil kasama ko ang aking ina at sa hindi kalayuan, nakatayo ang aming mga bodyguard. “Kumain kang mabuti, Anak,” sabi sa akin ni Mommy. Nakita ko siyang napabuntonghininga habang nakatingin sa akin, kaya nakaramdam ako ng hiya dahil pinagmamasdan niya ang aking kabuuan. “Malaki ang pinagbago ng katawan mo simula nang umalis ka sa bahay,” sabi ni Mommy h

