ANIKA Dapat maghuhugas ako ng aking kamay, pero hindi natuloy ang pagpunta ko sa banyo dahil nakita ko ang lolo ni Leo. Hindi rin nagtagal, may kumatok sa pintuan, pero bago pa ako makalapit sa pinto, bigla itong bumukas. Pumasok si Leo, kasunod ang dalawang babaeng nakasuot ng uniporme at may buhat na makapal na kutson. Nasa likuran rin nila si Jhing. May dala siyang mga unan at kumot nang pumasok dito sa guest room. “Ilapag ninyo iyan sa lapag,” utos ni Mr. Mondego sa mga kasambahay. “Lolo, what is all this?” tanong ni Leo. “Ang akala ko ba, matutulog ka na?” “Hindi pa ako makatulog dahil gising pa kayo, kaya maglatag na kayo d'yan sa sahig para makatulog na tayo.” Napatingin ako kay Leo. Mukhang seryoso nga ang kaniyang Lolo Sabby na dito kami patulugin sa guest room, kaya hindi k

