Tahimik lang ako ngayon dahil hindi ko na alam kung ano ang sasabihin ko sa kanila. Sakop sila ng aking ama ngunit namatay ito ng wala man lang nagawa para pangalagaan at protektahan ang kaniyang mga tauhan dahil sa pagkakamali na nagawa. Nakakalungkot man isipin pero hindi na maibabalik ang nangyari sa nakaraan. Tama naman si Laza. Wala akong alam at hindi ako dapat makialam. Kaya mas pinili ko na lang ang manahimik ngayon sa aking rehas. Mas mabuti pang manahimik na lamang ako kung wala din naman akong maitutulong para sa kanila. Ni hindi ko nga nagawang magtampo o makaramdam ng kahit konting inis sa sinabi ni Laza kahit na itinuloy nito ang kagustuhan ng kanyang kasamahan na kitilin ang buhay nito. Ganoon siya katapang. Kung ako nga ay halos hindi ko magawang tingnan ang gi