"Ano ba talaga ang akala mo sa sarili mo? Kahit pa lumitaw ang kapangyarihan mo ay hindi mo pa rin ako kaya!" insulto nito sa akin. "Masyado kang bilib sa sarili mo!" Pagak itong natawa at ilang saglit lang ay binuhos nito ang buong lakas upang hampasin muli si Kiran sa latigong hawak niya ngayon sa kaniyang kamay. Halatang sinasadya niyang galitin ako sa inis dahil sa pang-iinsulto nito sa akin. At halata ring gusto niyang ipakita sa akin ngayon wala akong magagawa kapag ginusto niyang gawin. Hindi ko kailanman ginustong maging ganito ako. Ni hindi ko hiniling na magkaroon ako ng kapangyarihan. Pero sa pagkakataong ito ay naging uhaw ako sa kapangyarihan na hindi ko naman kailan hinagad. Ang gusto ko lang naman ay kontrolin ang kapangyarihan na meron ako para magawa kong ipagtan