Ako nga talaga ang malas sa buhay nila. Wala ng may ibang kasalanan ng lahat ng ito kundi ako lang. Kahit saang mundo man ako magpunta ay wala na akong ginawang tama at ikakabuti nila. Kahit sa mundo ng mga tao at sa mundo ng demon realm ay puro na lang kamalasan ang dala ko sa buhay ng mga taong nagmamalasakit sa akin. Ang dami ko ng napupurwesyo dahil lahat sila ay nagpaparaya para sa kaligtasan ko. Ang sikip-sikip ngayon ng dibdib ko at para akong hindi makahinga dahil sa sobrang sakit. Para akong pinapatay sa sakit at kahit kailan ay hindi ko makakalimutan ang ginawa nilang ito sa akin. Parang gusto ko na lang mamatay dahil sa sobrang sakit. Humagolhol ako sa iyak ngunit sa tingin ko ay hindi pa rin sapat para maibsan ang sakit na nararamdaman ko. Sabi nga nila iiyak mo la