Chapter 138

1312 Words

"Alam mong una pa lang ay wala na akong nararamdaman para sa 'yo, Farah! Matagal mo ng alam mula pa sa umpisa," may diing wika ni Kiran at napakaseryoso niya. Wala rin siyang pakialam kahit na nasasaktan si Farah sa mga pinagsasabi niya. Kung pagbabasehan naman sa reaksyon ni Farah ay mukha naman siyang hindi apektado kahit na ano man ang sabihin ni Kiran sa kaniya. Pero ang kaniyang mga mata ay nasasaktan at kitang-kita ko iyon kahit hindi niya ipahalata. Marunong din akong magmahal kaya alam ko kung ano ang pakiramdam. Nakakaawa sana siya ngunit sa tuwing nagyayabang siya ay mas naiinis ako lalo. Lalo na sa pagiging makasarili niya. Wala siyang alam gawin kundi ang isipin lang ang sarili niya. Ang importante lang para sa kaniya ay makuha kung ano ang gusto niya. "I never

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD