This is the day that I've been waiting for. The six whole day training was very tough. And finally, ngayong araw na ito ay malalaman na ng lahat kung sino ang mananalo. Tumingala ako sa nag-iisang upuan sa pinakaibabaw at pinakagitna. Nakaupo sa magandang upuan ang ama ni Kiran na natatanaw ko ngayon at maging ang mga ranggo ay may sarili ring mga upuan. Nagtataka ako kung bakit hindi nakaupo si Kiran sa upuan na dapat ay nakalaan para sa kaniya. Nakabakante lang ito pero ano pa ba ang aasahan ko sa kaniya. Kaya nga hindi ako matanggap ng ama niya dahil akala nito ay isa akong masamang impluwensiya sa anak niya. Kaya ako pinag-iinitan lalo dahil wala na soyang ibang sinusunod kundi ang gusto niya. Kung alam ko lang sana na hihintayin niya ako rito kasama ang crowd ay pinigi