Nag-aalala ang mukha ni Kiran nang makita niya akong duguan, pagkabalik niya sa aking pwesto. "What happened?" Umiling ako nagsinungaling. "Nadapa lang ako at sa katangahan ko ay tumama ang ulo ko sa bato," pagdadahilan ko sa kaniya. Hindi ko alam kung konkreto ba ang rason na ibinigay ko sa kaniya. Pero wala na akong alam na pwede kong idahilan sa kaniya. Gusto niya sanang komprontahin si Farah pero pinigilan ko siya. "Kiran, hindi siya ang may kagagawan nito!" "Hindi ka makakapagsinungaling sa akin, Elyse." Nahuli niya ang pagsisinungaling ko. Pero away naming dalawa ito at hindi siya kasali. Alam kong gusto niya lang akong protektahan pero kaya ko na ang sarili ko. Tinulungan niya ako sa pagpapahinto ng dugo sa noo ko. Gusto niya sanang magpahinga muna ako sa pag-eens