"Bilang respeto sa aming kamahalan ay dapat ka rin naming galangin at respetuhin na parang siya," sinsero at magalang nitong wika. "Simula ngayon ay kasama mo na rin kami sa iyong laban," patuloy niyang ani. Nahihiya ako sa paraan ng paggalang nila sa akin dahil para akong prinsesa kung ituring nila. Kahit na nahihirapan mang lumuhod ang matandang ginang dahil may edad na rin ito ay ginawa niya pa rin ang lahat ng kaniyang makakaya. Umiling ako sabay wagayway ng aking mga kamay upang itigil ang kanilang ginagawa. "Hindi ko maintindihan…" nahina kong usal dahil naguguluhan na talaga ako. "Paano'ng ako?" nagtataka kong tanong sa aking sarili. "Hindi ako maaaring magkamali, ikaw nga… ikaw nga ang matagal na naming hinahanap. Ikaw ang anak ng aming Panginoon. Sa wakas ay ligtas ka at