Kinabukasan ay maaga akong nagising. Sa katunayan ay hindi talaga ako nagigising ng ganito kaaga. Pero dahil sa dami kong iniisip kaya nagising ako ng mas maaga kaysa natural kong gising. Ang totoo ay hindi ako nakatulog nang maayos kagabi dahil naninibago ako. Hindi ko kasama at katabi si Kiran sa pagtulog dito sa kwarto sa kanilang palasyo. Ngunit kahit gaano man kaaga ang gising ko ay naunahan pa rin ako ni Kiran ng paggising kahit alam ko na pagod na pagod na siya sa kakatanggol sa akin. Nakakalungkot dahil wala man lang akong magawa para sa kaniya. Magkatabi lang ang kwarto naming dalawa at ipinagbabawal ang pagsasama namin sa iisang kwarto sa tuwing oras na nang pagtulog. Isa iyon sa reklamo ni Farah na kaagad namang pinagbawalan ng hari. Hindi kami pinahintulutan na