Dito kumain ng dinner ang magkapatid. At matapos mapatulog si Precia ay umuwi na din ang mga ito. "Sigurado ka ba'ng kaya mo'ng bantayan ang kambal?" mahinahon na tanong ni Ardent. Hindi pa ako agad nakasagot dahil malalim ang aking iniisip. "Are you okay?" "Oo. Puwede ka ng umuwi. Kaya ko na 'to. Pumayag akong sumama ng Manila hindi dahil sa'yo." "I know that. And I promise you..." "Huwag mo akong pangakuan ng kung ano-ano, Ardent. Hindi mo ako kabit." "I'm sorry..." Lumapit siya ulit sa kambal. Tinitigan niya ang mga ito bago siya umuwi. Hindi naman gaanong namumuyat ang kambal. Kahit paano nakakatulog naman ako ng maayos, pagising-gising lang every hour to check their diapers and to feed them. "Mommy, gusto ko po'ng pumasok na ng school. Nag-give birth ka na po sa mga baby b