CHAPTER SIX

1778 Words
AMBER’S POV LIHIM akong napalunok habang nakatingin sa papalapit na si Diana Suarez. Hindi ako duwag. Lumaki rin ako na may kumpyansa sa sarili ngunit sa pagkakataon na ito ay nakaramdam ako ng panliliit sa presensya ng aristokratang babae. Sa eleganteng paglakad pa lang ay nagtataglay na ng kapangyarihan na kahit ang ibang socialite na naroon ay tumikhim at umayos ng upo. Bagaman bakas na sa mukha ni Diana na may edad na siya ay maganda pa rin ang hubog ng katawan. Naka-ballerina bun ang buhok niya na ni isa mang hibla ng buhok ay hindi nalaglag o naligaw sa mukha. Kapansin-pansin ang suot niyang amulet necklace dahil sa laki niyon at purong diamond ang nasa gitna. Na-emphasize pa dahil labas cleavage na suot na formal dress. Kung titingnan siya ay parang a-attend ng party ngunit batid ko na pangkaraniwang attire na niya ito sa pang araw-araw. Pagkatapos kong ma-viral at makaladkad sa kahihiyan ay nag-research ako tungkol kay Diana. Nalaman ko nga na hindi lang basta-basta kundi galing sa angkan ng mga politiko at business tycoon. Sabi nga ng marami ay nagkamali raw ako ng taong binangga. Ano ba ang naging kasalanan ko? Ang viral photo namin ni Dave? Gosh! Ni sa hinagap ay hindi ko naisip na landiin si Dave dahil the moment na binuka na niya ang kanyang bibig ay na-turn off na kaagad ako sa kayabangan niya. Nang makalapit si Diana ay nakipagbeso-beso siya sa kapwa niyang socialite. May binulong ang isa sa mga babae sa kanya pagkatapos ay lumingon siya sa direksiyon ko at awtomatikong napalis ang ngiti niya. ”So, you’re that girl?” Agad umarko ang kilay ni Diana. Sa tingin pa lang ay tila nang uuri na. “Starlet ka ‘di ba?” “No. I’m a model,” sagot ko sa pormal na tono at mukha. “Ganoon na rin iyon.” “Marangal ang trabaho ko.” “Huh! Tell that to the marine! Kaya nga nakarating ka kung saan ka ngayon dahil kung kani-kanino ka kumakapit.” “Hindi iyan totoo!” Tumaas na ang boses ko. Sa sulok ng mata ko ay nakita ko si Mrs. Sintaro na tinapik sa balikat ang anak. Agad naman tumayo si Annika at umalis pagkatapos magpaalam sa kanilang lahat. Samantala, si Wyatt naman ay tiniklop ang binabasang news paper. Prenteng umupo at pinagmasdan kami na animo’y nanonood ng pelikula. Sa gulat ko ay sinapo ni Diana ang dibdib na tila ba inatake sa puso o di kaya ay nakakita ng multo. “Did you all see that? Sinigawan niya ako!” “Dahil inaalipusta mo ako,” sabi kong nalito sa pangyayari. Bakit para lumabas na ako pa ang nang agrabyado? “I am just telling the truth!” Halos lumuwa na ang mata ni Diana at naglabasan ang litid sa leeg. Pero mas lalong kumunot ang noo ko nang sa isang iglap lang ay bumalik ang composure niya. Lumapit sa asawang si Dave at umabresiete. Taas-noo ulit. Hindi na mabilang ang mga nakasalamuha ko na kabilang sa alta sa syudad pero pinakakaiba ang isang ito. “Honey, hindi ba tama ako? Lumapit sa iyo ang model na iyan para akitin ka?” sabi niya na kung ituro ako ay para lamang akong basahan. Matiim kong tinitigan si Dave. Hinihintay kong magsabi siya ng totoo ngunit nalaglag ang balikat ko nang makita kong yumuko siya. Oo nga pala, according din sa research ko ay tuta siya ni Diana. Binihisan at binigyan ng posisyon kung kaya nakarating siya sa kinatatayuan ngayon. “Tama ka, Honey. Noong gabing iyon ay hindi na niya ako nilubayan. Niyaya pa niya akong umalis sa party,” sabi ni Dave sa mahinang boses pero umabot pa rin sa pandinig ng lahat. “Hindi iyan totoo! Kailanman hinding-hindi kita magugustuhan! Hindi ko type ang tulad mong mayabang at walang bayag. After that night, remember! Iniwasan na kita! Umabot pa ako sa point na kailangan kitang masalisihan dahil parang kang asong ulol na sunod nang sunod sa akin!” “Liar! Ang asawa ko pa ang palalabasin mo na may gusto sa iyo?!” Muli na naman bumangis ang anyo ni Diana. Nagpaskil ako ng matamis na ngiti sa labi. Mali ang mga tao. Si Diana ang nagkamali ng babanggain dahil wala sa bokabularyo ko ang magpaapi. Hindi ako takot sa kapangyarihan nila. Besides, ano pa bang pangalan ang dapat kong ingatan, e sirang-sira na nga ako sa madla. “Next time, make sure na nakatali ng husto ang aso mo. Siguro din, kulang pa iyong retoke mo kaya kung kani-kanino pa tumingin ang asawa mo,” sabi ko sa kalmadong boses. “How dare you!” sigaw ni Diana. Walang babala na sinunggaban niya ako sa buhok. Bagaman hindi ko napaghandaan ang pang-aatake niya ay nagawa ko pa rin mahablot siya buhok. Sigawan at eskandalo na ang sumunod na nangyari. Pilit kaming pinaghihiwalay. Mas bata ako at naka-heels pa siya kaya lugi siya sa akin. Pero mahahaba ang kuko niya na tumutusok sa anit ko. Naramdaman kong may pumulupot na braso sa beywang ko at hinala ako. Sa iglap lang ay bigla akong binitawan ni Diana. “W-wyatt…” Awtomatiko akong napalingon nang mapansin na lagpas sa akin ang tingin ni Diana at tigagal ang anyo niya. Tila ngayon lang niya napagtanto na nandito rin ang binata. “Excuse me,” wika ni Wyatt na hinila na ako papalayo. Hindi niya binibitawan kahit pumasok na kami sa isang kwarto na sa palagay ko ay isang executive office kung ang pagbabasehan ay ang receiving area at executive table. “P-pwede mo na akong bitawan,” kulang sa diin kong sabi. “What a cold response to someone who helped you out of a mess.” Napahiya ako sa narinig. “I’m s-sorry.” “What a dramatic scene.” Sa halip ay sabi ng binata. Mababakas ang amusement sa mukha na tila pa nakapanood ng comedy movie. “Ayaw ko naman sana ng gulo, pero masyado na akong inalipusta kaya lumaban na ako.” Hindi ako makatingin sa kanya ng deretso dahil sa hiya. Maraming saksi sa eskandalong ginawa namin ni Diana. Tiyak ako na naman lalabas na masama. Magiging laman na naman ako ng news at search engine ng internet. “Tama lang ang ginawa mo.” “Talaga! Kung hindi mo ako naawat baka nabasag ko pa ang mukha ng babaeng iyon!” Naningkit ang mata ko sa inis ngunit nang masulyapan ko na muling sumungaw ang pagkaaliw sa mukha ng binata ay kinalma ko ang sarili ko. “Pasensya na kung asal kalye ako. Hindi kasi ako lumaki na mayaman.” “Talagang kaya mo si Diana?” “Oo! Gusto mo pagharapin mo ulit kami! Can’t you see? Muntik ko nang mabasag ang mukha niya.” “Yes, you’re right.” Tumango-tango si Wyatt. “By the way, dumudugo ang kilay mo.” Agad kong nasapo ang kilay ko. Tama siya, dumudugo nga. Ngayon ko lang din naramdaman ang hapdi. Malamang nakalmot ito ng mahahabang kuko ni Diana. Kung ganoon ang babae pala na iyon ang mas nakapuntos sa akin. Tumayo si Wyatt. Dumeretso sa isang cabinet drawer. May kinuha sa loob. Napamaaang ako at wala sa loob na naituro ko siya. Nagtataka kasi ako kung bakit alam niya kung saan nakalagay ang first aid kit. “This Golf club is mine,” pahayag niya na tila nabasa ang laman ng utak ko. “Oh…O-okay. Kaya pala.” “Gamutin natin iyang sagot mo.” “Huwag na! Konti gasgas lang ito. Malayo sa atay.” “C’mon, it’s better to be safe. What if Diana has a rabies?” Natawa ako sa tanong niya. “Siya nga pala, bakit parang takot na takot siya sa iyo?” “I’m the major investor in her company,” walang himig na pagmamayabang na sagot niya. “I see. Natakot sigu –“ Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang walang babala na dinampi niya sa sugat ko ang cotton buds na nilagyan niya ng ointment ang sugat ko. Na-concious ako dahil hindi ko maintindihan kung bakit kailangan pa niya dumikit ng husto. Nararamdaman ko ang buga ng hininga niya sa noo ko. Nasasamyo ko rin ang suwabe sa ilong na perfume niya. Worst, naramdaman ko ang pagdaloy ng munting kiliti sa buong katawan ko. “W-Wyatt…” Bahagya akong umatras. “Be still.” “Okay na ako. Huwag mong alalahanin ang sugat ko.” “Wait.” Hindi nagmamando ang tono ng binata pero may kung anong awtoridad ang simpleng salita niya na awtomatikong nagpa-estatwa sa akin. “Good girl.” Pinatong niya ang kanyang kamay sa ulo ko na animo’y nakikipag-usap sa isang batang paslit lalo na’t nakapaskil pa ang magiliw na ngiti sa labi niya. Hindi ko maintindihan kung bakit hindi ako makatingin ng deretso sa kanya. C’mon! I am Amber Ortega, ang babaeng hindi nagpapatinag sa sino mang lalake. And here I am now, acting like a blushing teenager in front of her crush. First time ko lang din kasi maka-encounter ng lalaki na kung makatitig ay nanunuot. Nakakatunaw. Mabuti na lang at may kumatok sa pinto. Save by the bell! “Come in,” sabi ni Wyatt na hindi pa rin hinihiwalay ang titig sa akin. Bumukas ang pinto. Iniluwa ang isang lalaki na sa tingin ko ay staff dahil sa suot na uniporme, kasunod niya ay si Noah. Sa totoo lang ay gusto kong mainis dahil wala siya no’ng na time na kailangan na kailangan ko siya. Ibang tao pa ang sumagip sa akin sa kahihiyan. But then, nakita ko ang matinding pag-aalala sa mukha. It is enough para malusaw nararamdaman kong inis. “Are you okay, Amber?” tanong ni Noah na agad sinapo ang dalawang kamay ang pisngi ko. “I am very sorry. May importante lang kasi akong kinausap.” “It’s okay. Just get me out of here.” Binalingan ko si Wyatt. “Thank you so much sa ginawa mong pagtulong sa akin.” Tango lang sagot ni Wyatt. Hinawakan ko na si Noah. Indikasyon ko nang lumabas sa opisinang iyon, pero nakita ko na napako siya sa kanyang kinatatayuan. Nabasa ko sa mukha niya na tila gusto niyang kausapin si Noah. Lihim akong naghimutok. He is all about business. Hindi ba pwede na ako muna ang asikasuhin niya dahil at first place, siya ang nagdala sa akin dito. “Noah.” Untag ko sa kanya. Tila noon lang siya natauhan. “Oh yeah. Tayo na. By the way thank you for helping my girlfriend, Mr. Rios.” Nanlaki ang mata ko. Did I hear it right? Noah called me his girlfriend.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD